^

PSN Opinyon

Sr. Supt. Cuaton at Pastoral malapit-lapit na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DALAWANG station commanders sa Metro Manila ang may posibilidad na hindi na aabutin ng Pasko sa kanilang puwesto. Iniimbestigahan na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sina Sr. Supts. Nestor Pastoral ng Parañaque City at Napoleon Cuaton ng Pasay City hinggil sa mga reklamo laban sa kanila. Sinabi ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima na hindi siya mangingi-ming sibakin sa puwesto sina Pastoral at Cuaton kapag may sapat na ebidensiya na hindi sila nagtatrabaho. Si Sr. Supt. Conrado Capa, ang NCRPO intelligence chief ang naatasan na magsagawa ng in depth na imbestigasyon kina Pastoral at Cuaton. Kakausapin ni Purisima si bagong PNP chief Deputy Dir. Gen. Nick Bartolome bago ipataw ang kautusan kina Pastoral at Cuaton.

Si Pastoral ang laman ng open letter kung saan kinukuwestiyon ng mga tauhan niya ang pagiging sugapa niya sa pitsa. Pati mga diskarte ng mga tauhan ay pinapakialaman ni Pastoral. Gusto ‘ata ni Pastoral na siya lang ang mabusog. Nakarating din kay Purisima na ang crime statistics sa Parañaque ay “dinodoktor” ni Pastoral bago isumite sa NCRPO. Kaya kung sa libro mababa ang crime rate sa Parañaque City. Pero ang pinuputok ng butse ni Purisima ay ang kawalan ng aksiyon ni Pastoral sa jueteng sa lugar niya. Tatlong beses na kasing nagsagawa ng raid ang ibang unit o ahensiya ng gobyerno sa Parañaque City at mukhang si Pastoral na lang ang naiwan sa kangkungan. Di ba merong “one-strike” policy laban sa jueteng ang PNP Sir Alan Purisima? Lampas-lampas na ang strike ni Pastoral ah. Kung sabagay, baka di mautusan ni Mayor Florencio Bernabe si Pastoral na ipatigil ang jueteng sa kanyang area dahil sa pakikialam ng kapatid na si Roland. May balita na 3rd termer na si Bernabe at ang kapatid na si Roland ang papalit?

Ito namang si Cuaton ay lumalaban kay Mayor Antonio Calixto dahil sa hidwaan sa pasugalan. Ipinasara kasi ni Cuaton ang lahat ng pasugalan sa Pasay na nais namang pabuksan sa ngayon ng bata ni Calixto na si Moti Arceo. Si Arceo ang may hawak ng mga illegal terminal sa Pasay.

Kapag nasibak sa puwesto si Pastoral, ang matutuwa ay ang mga tauhan niya samantalang kapag naalis naman si Cuaton ang happy ay si Arceo.

Ang gino-groom na papalit kay Pastoral ay si Sr. Supt. Jomar Espino samantalang si Cuaton ay papalitan ni      Sr. Supt. Reyes. Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

CONRADO CAPA

CUATON

DEPUTY DIR

JOMAR ESPINO

MAYOR ANTONIO CALIXTO

MAYOR FLORENCIO BERNABE

PASTORAL

PURISIMA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with