^

PSN Opinyon

Bakit inuunahan ang senado?

Panaginip Lang -

NAGSAMPA ng kasong plunder laban kay Sir Senyor   Don Jose Miguel Pidal Arroyo, dating Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, former PNP Chief Jesus Versoza, ilan pang mga retirado at aktibong opisyal at tauhan ng PNP, kay Ginoong Archibald Po ng Lion Air, Larry De Vera ng Maptra at Renato Sia ng Asian Spirit ang Philippine National Police tungkol sa mga second hand na helicopter na pinasa bilang bago sa pambansang pulisya.

Sinampa ng kasalukuyang liderato ng PNP ang kasong plunder sa opisina ng Ombudsman at dinamay sa demanda si Ginoong Po, De Vera at Sia. Mukhang nakalimutan nila na kung hindi nagsalita ang tatlo, lalo na si Ginoong Po ay hindi nila masasampahan ng kahit traffic violation si Senyor Miguel Arroyo. 

Isa ho ako sa kumumbinsi kay Ginoong Po na lumabas at sabihin ang katotohanan kahit na malalagay sa pa-nganib ang kanyang buhay. Ang isa pa ho ay si Ginoong Jarius Bondoc ng Philippine STAR na kasama ko ring kumumbinsi noon kay Joey de Venecia na ibulgar ang ZTE-NBN deal. 

Lubos akong nagtataka kung bakit mukhang nagmamadali ang PNP na magsampa ng kaso at idamay ang mga taong dahilan kaya nagkaroon ng ebidensiya laban kay Senyor Miguel Pidal Arroyo. Nakakalimot din yata ang PNP na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng mga senador. Siyanga pala, ang mga senador na unang nagbulgar ng isyung ito ay ang mga senador na sina Panfilo Lacson, Serge Osmeña at TG Guingona. 

Malabo itong ginawa ng PNP, bakit nila inimbistigahan ang sarili at kumilos ng solo, hindi ba dapat ibang ahensiya para hindi masabing may pinagtatakpan sila. Sa ginawa nilang ito, paano kung mahina ang ebidensya na pinasok nila. 

Sana lang mali ang aking hinala.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e-mail sa [email protected]

vuukle comment

ARCHIBALD PO

ASIAN SPIRIT

CHIEF JESUS VERSOZA

DE VERA

DON JOSE MIGUEL PIDAL ARROYO

GINOONG JARIUS BONDOC

GINOONG PO

LARRY DE VERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with