^

PSN Opinyon

Editoryal - Wala nang VIP sa NBP?

-

WALA na raw magiging Very ImporTant Preso (VIP) sa National Bilibid Prison (NBP) nga­yong may mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na kinasuhan at sinuspende kaugnay nang pag­labas-masok ni convicted killer at dating Batangas governor Antonio Leviste sa National Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang Mayo. Tapos na raw ang pamamayagpag ng mga VIP.

Ang limang opisyal ng BuCor na kinasuhan ay sina Ramon Reyes, Armando Miranda, Dante Cruz, Fortunato Justo at Roberto Rabo. Ayon sa DOJ hindi nagampanan ng lima ang kanilang mga tung­kulin. Hinayaan nilang “makatakas” si Leviste sa maraming pagkakataon. Hindi naman kinasuhan si dating BuCor director Ernesto Diokno­, dahil nagbitiw na ito

Kung tutuusin, magaan ang parusa sa limang BuCor officials na sinuspende lamang ng 90-araw. Bakit hindi alisin sa puwesto gayung ang kanilang ginawa ay hindi karapat-dapat? Hinayaan nilang “makalaya” o “makatakas” ang isang bilanggong tulad ni Leviste. Dahil kaya maimpluwensiya o may-kaya sa buhay si Leviste? Dahil kaya nakikinabang sila rito?

Ayon sa report, matagal nang naglalabas- masok­ si Leviste sa NBP. Sinusundo pa umano ito ng kotse at nagtutungo sa gusali nito sa Makati. Nakunan mismo ng video si Leviste habang pasakay sa kotse matapos manggaling sa kanyang gusali. Depensa naman ni Leviste, nagpabunot siya ng ngipin.

Noon pa balita ang tungkol sa mga “Very Im­portant Preso” na may sariling kubol at kumpleto sa gamit --- aircon, refrigerator, kama, at marami pang iba. Mistulang motel ang tirahan ng mga “VIP” sa NBP. Habang masarap ang kanilang kalagayan, marami namang bilanggo ang nagsisiksikan at nagkakasakit. Malaki ang pagkakaiba ng mahirap at mayamang bilanggo sa NBP.

Wala na raw VIP sa NBP. Sana nga. O baka naman hanggang sariwa lang ang isyung ito.

vuukle comment

ANTONIO LEVISTE

ARMANDO MIRANDA

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

DAHIL

DANTE CRUZ

ERNESTO DIOKNO

FORTUNATO JUSTO

LEVISTE

NATIONAL BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with