^

PSN Opinyon

Outstanding Manilans

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

CONGRATULATIONS sa Lungsod ng Maynila sa ika-440 na anibersaryo ng Araw ng Maynila. Bilang bahagi ng pagdiriwang, taon taon ay ginagawad ng Lungsod ang parangal ng most Outstanding Manilan sa mga magiting na lider na ipinanganak, nanirahan, nag-aral o nagtrabaho sa Maynila na may malaking kontribusyon sa lipunan. Para sa 2011, kabilang sa mga hinirang ay sina Presiding Justice Andres Reyes ng Court of Appeals for Judicial Administration at si Miguel G. Belmonte, President at CEO ng Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON, sa larangan ng Print Media Advocacy.

Dangal ng Maynila ang magkaroon ng ganitong uri ng mga “anak” na dala dala ang pangalan ng lungsod sa malinis at mahusay nilang panunungkulan. Si Presiding Justice Reyes ay tinitingala sa kanyang administrasyon ng Court of Appeals na tumulong magbalik ng tiwala ng tao sa dating nabahirang institusyon. Marami pang ibang paraan kung paano siya nakakatulong sa lungsod – isa na rito ang pag-alay ng kanyang panahon sa pagtuturo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Law kung saan ang mga iskolar ng Maynila ay nabibigyang pagkakataon magdalubhasa sa batas. Napakaswerte ng mga mag-aaral na matutunan ang batas sa kamay mismo ng isa sa pinakamataas ang posisyong mahistrado sa bansa. Ang kanyang halimbawa sa kabataan ay magandang pagpatibay na ang tunay na diwa ng batas ay serbisyo sa bayan.

Si Ginoong Belmonte naman ay may napakalaki ring kontribusyon hindi lamang sa lipunan kung hindi rin sa reputasyon ng Maynila bilang sentro ng negosyo. Isa sa pinakamalaking taxpayer ng Lungsod ang Philippine STAR, kasapi ito sa top 2 na pahayagan sa bansa at kabilang sa top 100 corporations. Sa kabila ng dami ng pagkakataon at oportunidad na lumipat ito sa ibang mga hurisdiksyon na mas madaling mapuntahan o mas malapit sa mga business centers ng Metro Manila, hindi nito iniiwan ang kanilang head office sa Maynila. At dahil dito, patuloy na maipagmamalaki ng aking lungsod na siya ang tahanan ng malayang pamamahayag sa bansa.

Mabuhay Mayor Alfredo S. Lim at sa mga Outstan-ding Manilans!

vuukle comment

COURT OF APPEALS

JUDICIAL ADMINISTRATION

LUNGSOD

MABUHAY MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

MAYNILA COLLEGE OF LAW

METRO MANILA

MIGUEL G

OUTSTANDING MANILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with