^

PSN Opinyon

Gen. Bacalzo, habulin mo si Boy Bata!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KINAKALADKAD ni alyas Boy Bata ang pangalan ni PNP Intelligence Group (IG) director Chief Supt. Manuel Barcena sa mga pasugalan sa bansa. Kapag hindi pa kumilos si Barcena, baka hindi niya mamalayan na giba na ang pangalan niya. Kinakausap kasi ni Boy Bata ang gambling lords sa buong bansa at ipinangalandakan niya na siya na ang kolektor ng IG ng lingguhang intelihensiya. Sa pagkaalam ko kasi, ang trabaho ng IG ay ang manghabol ng mga bigtime criminal syndicate, mga terrorista, NPA at mga Muslim secessionist. Paano nakapasok sa pasugalan ang IG? Dahil kay Boy Bata? Yan ang tanong na dapat sagutin ng iwas-pusoy na si PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo.

Kung sabagay, hindi lang si Boy Bata ang gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng PNP para makapagko­lekta ng lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords. Ma­rami Gen. Bacalzo. At mukhang di mo sila kayang supilin. Si Boy Bata ang management ng jueteng sa Pangasinan. Siyempre may basbas ni Gov. Amado Espino, na umiyak pa sa Senate hearing sa jueteng. Ang balita, ang hindi lang napasok ng jueteng ni Boy Bata ay ang kaharian ni Bebot Villar. Pero sa pagkaalam ng mga kausap ko, porsiyentuhan lang si Boy Bata ng kanyang bitbit na bangka. Ma­aring maganda ang imahe ni Boy Bata kina Gov. Espino at  Barcena. Subalit sa PRO4-A, sira ang pangalan niya. Si Boy Bata ang napisil na kumuha ng lingguhang intelihensiya sa PRO4-A dahil marami ang nag-endorse sa kanya. Subalit itinakbo ni Boy Bata ang P300,000 na weekly koleksiyon at sa ngayon ay hinahanting na siya. Kaya ang tawag sa ngayon kay Boy Bata mga suki ay Boy Sunog o Boy Fireman.

Sa pagkaalam ng mga kausap ko limpak-limpak ang pitsa ni Boy Bata. Subalit sa pagsunog niya ng lingguhang intelihensiya sa PRO4-A, ibig bang sabihin baon din siya sa utang?

Kung sabagay, marami sa kausap ko ang nagsasabing maraming talbog na tseke si Boy Bata. Ibig sabihin hindi siya nakapagbayad ng mga utang niya. Madalas sa casino si Boy Bata. Kaya ang nangyari sa PRO4-A ay maaring gagawin din ni Boy Fireman sa kaba­ba­yan niyang si Barcena. Kung seryoso si Bacalzo na linisin ang hanay ng kapulisan ng mga tiwaling pulis, dapat unahin niyang habulin ang mga kolektor ng intelihensiya tulad ni Boy Bata. Mga anay kasi sila na sumisira sa PNP. Maraming police official na wala nang ginawa kundi antayin ang pag-remit ng mga kolektor ng weekly collection nila sa gambling lords sa bansa. At kalimitan, kung magtrabaho sila, palpak pa. Abangan!

vuukle comment

AMADO ESPINO

BACALZO

BARCENA

BATA

BOY

BOY BATA

BOY FIREMAN

SI BOY BATA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with