Osama Bin Laden

Patay na nga kaya si Bin Laden?

at sana papalit ating kadamdamin;

Matagal nang lubhang ang daigdig natin

saklot ng pangamba’t lugmok sa hilahil!

Sana nga’y wala nang pumalit sa kanya

upang pamunuan mga terorista;

Kung may papalit man dapat iba siya’t

kanyang bubuwagin ang grupong Al Qaeda!

Nakapagtatakang itong si Bin Laden

naging lider siyang iba ang damdamin;

Ang kanyang doktrina’y mabuhay sa dilim

mabuhay lang siya – tayo’y papatayin!

Mahabang panahong siya’y terorista

tahimik na mundo’y ginugulo niya;

Mga president, mga hari’t reyna

ang tanging layunin ay madakip siya!

Mga pambobomba at mga pagpatay

sa maraming bansa kanyang pinairal;

At ngayong patay na masamang kaaway

wala nang Osamang kinatatakutan!

Mabubuting tao’t masasamang tao

parehong binuhay ng Diyos sa mundo;

Kung saan papanig ang buhay na ito -

nasa gintong panig tayong Pilipino!

Tayong mga Pinoy ay laging tahimik

hind pumapanig sa grupong malupit;

Kailanman di tayo lumabas sa guhit

ng kapayapaang kaloob ng langit!

Oo nga at dito’y marami ring hudas

na ang gawi’t kilos lubhang mapangahas;

Pero itong bansa ay may mga batas

na dapat igalang ng mga pahamak!

Kapalit ni Laden at mga kasama

ipagdasal nating destino’y iba na;

Ang kapayapaan ang yakapin nila’t

ang planeta natin magiging masaya!

Show comments