^

PSN Opinyon

P50-M na pabaon kay Angelo Reyes!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HINDI na yata mapipigilan ang pagbubulgar sa mga nangyaring nakawan ng salapi ng bayan. Isa sa mga maliwanag na pangungulimbat sa pera ng taumbayan ay ang ginawa ni dating AFP Comptroller at ret. general Carlos Garcia na daang milyong piso ang naitago para sa sariling kapakanan niya at kanyang pamilya. Huling-huli at hindi maitanggi kahit na gaanong gawing paliwanag ng asawa nito at mga anak ng dating comptroller nang mahuli ang mga ito na naglalabas ng napakalaking halaga ng pera patungo rito sa US. Napakarami palang ari-arian ng mga Garcia dito sa US. Dito nasakote ang mga ginawang kasalanan ni Garcia.

Ang ginawang krimen na ito ni Garcia ang siya ring nagpasingaw sa karumal-dumal na pangunguwarta ng ilang mga matataas na opisyal ng AFP, Department of National Defense at iba pang mga matataas na opisyal ng gobyerno ng mga nakaraang administrasyon.

Namangha ang sambayanan sa inilahad ni dating military budget officer Lt. Col. George Rabusa sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes. Ibinunyag ni Rabusa kung paano nagpayaman si Garcia at iba pang military officers . Binanggit ni Rabusa na nang mag-retire si dating AFP Chief Angelo Reyes noong 2001, tumanggap daw ito ng P50-milyon bilang pabaon. Ito raw ay tradisyon sa AFP maliban pa sa P5-milyon buwan-buwan na personal fund. Si Reyes ay dati ring Defense secretary. Ibinunyag din ni Rabusa na sina former AFP Chiefs of Staff Diomedio Villanueva at Roy Cimatu ay tumanggap din umano ng P10-milyon bilang pasalubong daw para sa kanilang pag-upo bilang AFP chiefs. Sinabi rin ni Rabusa na tumanggap din daw siya ng P500,000 kada buwan bilang budget officer.

Sigurado ako na maraming alam si P-Noy at kanyang mga tauhan sa ginagawang katarantaduhan ng mga taong-gobyerno. Hindi ko na sasabihin sa mga ito kung ano ang kanilang dapat gawin upang ma-ging malinis ang takbo ng ating bansa. Dapat lamang na maging matigas ang pagpapatakbo ni P-Noy sa ating gobyerno na katulad ng aking binanggit sa nakaraang kolum.

God Bless, Mr. President!

vuukle comment

CARLOS GARCIA

CHIEF ANGELO REYES

CHIEFS OF STAFF DIOMEDIO VILLANUEVA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

GARCIA

GEORGE RABUSA

GOD BLESS

IBINUNYAG

RABUSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with