Ang 2 nakatuhog na Korea

NOON pa, alam ng mga foreign affairs analysts na hindi maaring magkaroon ng all-out war sa pagitan ng South at North Korea. Ang turing nila sa nasabing mga bansa ay “highly penetrated states.” Ang Amerika ang may high pene­tration sa South Korea na ang ibig sabihin ay sila ang may final say sa foreign at military affairs ng nasabing bansa.

Ang China naman ang pinaka-high penetrator ng North Korea ngayon. Dati kapwa niya penetrator ang Soviet Union pero nang nagka-watak-watak ang USSR, medyo nagbubukod-tangi na lang ngayon ang China na kumuku­babaw sa North Korea. Sa tingin ng mga experto, ang Amerika na lamang ngayon ang kaisa-isang world superpower.

Hindi kaya ng China ang maki-head on collision sa Amerika. Bagama’t ang China ay maituturing na ngayon na isang economic behemoth, malayo pang mapantayan nito ang military might ng Amerika. Kaya hindi maaring payagan ng China ang kanyang tutang North Korea na magkaroon ng all-out war sa South.

Malamang sinabihan ng China ang tuta ng ganito: “Ano ka sira ulo? Buldozer ang magiging kalaban natin. Tricycle pa lang tayo.” Kaya ako’y labis na nadismaya nang magpasya agad si DFA Secretary Bert Romulo na itigil ang deployment ng OFWs sa South Korea.

Salamat na lang at noong nakaraang Martes, nagwagi ang pasya ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na payagan nang lumulan ang OFWs na binitin ni Romulo. Si Romulo ay naging senior collaborator ni Gloria Macapagal Arroyo. He is the odd man out sa P-Noy administration. Kaya tama lang na ginawaran siya ng kolum na ito ng PISOT award, as in Performance Inadequate, Sloppy and Overly Thoughtless.

Show comments