^

PSN Opinyon

Karapatan ng akusado

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ni Rico. Kinasuhan siya ng Grave Coercion sa isang impormasyon na may petsang Hunyo 28, 2002. Matapos na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya, nagkaroon ng schedule para sa kanyang arraignment noong Pebrero 12, 2003 habang nakabinbin pa ang petisyon/apela niya sa DOJ (Department of Justice). Kahit wala pang resolusyon ang kaso niya sa DOJ, itinuloy ng huwes ang arraignment noong Pebrero 12, 2003. Hindi inamin ni Rico ang paratang sa kanya at “not guilty” ang naging pahayag niya sa korte.

Matapos ang arraignment, ang pre-trial naman ng kaso ay itinalaga noong Mayo 28, 2003. Dahil sa bagyong Chedeng, hindi natuloy ang pre-trial at ginawa na lang noong Oktubre 23, 2003. Hindi sumipot sa pagdinig si Rico at ang kanyang abogado dahil hindi sila napadalhan ng abiso. Naglabas ng warrant of arrest ang korte para kay Rico ngunit binawi rin ng korte nang malaman ang naging pagkakamali. Muling nagtalaga ng pre-trial noong Enero 21, 2004.

Bago mag-umpisa ang pre-trial, nagsumite ng mosyon (motion to dismiss) si Rico. Hinihingi niya na ibasura ng korte ang impormasyon sa kanya dahil sa paglabag sa batas (Rule 119, Section 6 of the Rules of Court) tungkol sa mabilis na paglilitis o “speedy trial”. Wala raw siyang kinalaman sa nang­yari pero hindi siya nalitis sa loob ng walumpung (80) araw magmula sa petsa ng arraignment. 105 araw daw ang lumipas mula sa petsa ng arraignment hanggang sa petsa ng pre-trial at 153 araw naman ang nagdaan mula sa unang petsa ng pre-trial hanggang sa natuloy ito noong Oktubre 23, 2003 o mahigit kumulang sa 253 araw ang lumipas kumpara sa dapat na 80 araw na limitasyon. Tama ba si Rico?

MALI. Kahit pa may nakasaad na araw na palugit sa ating batas, idinidikta ng mga naunang desisyon ng korte na nababago ito depende sa sirkumstansiya. Ang karapatan ng akusado sa mabilisang paglilitis ay upang maiwasan na apihin siya habang wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang pagdinig ng kanyang kaso. Ibig sabihin, malalabag lang ang batas na ito kung mapapatunayan na talagang sina­sadyang patulugin ang kaso at kapritso lang ng iba kung bakit hindi ito umuusad.

Hindi lang ang bilis ng paglilitis ang sukatan, dapat din munang patunayan na inalisan ng karapatan ang akusado sa pamamagitan ng apat na bagay, a) ang tagal na inilakad ng kaso, b) ang dahilan ng pagtatagal ng paglilitis, c) ang pagma­matigas ng akusado at pagpipilit sa kanyang karapatan at d) ang kaapihan na inabot ng akusado.

Sa kasong ito, kahit pa naantala ang pagdinig, may base­han naman sa naging pagtatagal. Una, hindi naipaalam kay Rico at sa kanyang abogado ang tungkol sa paglilitis sa Oktubre 23, 2003. Simpleng pagkakamali lang ito at dapat ay hindi isisi sa kaninuman. Inamin naman ang pagkakamali at binawi rin ang warrant of arrest ng MeTC.

Dapat na magkaroon ng balanse sa hinihingi ng batas na tamang proseso at sa idinidiktang mabilisang paglilitis. Dapat na mawala sa ating lipunan ang mga kriminal ngunit dapat din natin laging tandaan ang apat na batayan kung kailan masasabing tama pa ang nangyayari. Sa kaso ni Rico, hindi masasabing inapi siya o sinasadya ang pagtatagal ng kanyang kaso samantalang nakakalaya naman siya dahil sa piyansa. (Olbes vs. Buemio et. Al., G.R. 173319, December 4, 2009).

DAPAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRAVE COERCION

KAHIT

KASO

MATAPOS

OKTUBRE

RICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with