^

PSN Opinyon

Pag-aralan muna ang mga kandidato

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAMPANYA ngayon ng mga pulitikong tatakbo sa nasyonal level, kaya ihanda na ang inyong ballpen at notebook. Ilista ang mga magagandang plataporma de gobyerno ng mga kandidato at nang hindi na malito sa pagpili sa May election. Tuwing election ang mga pulitiko ay sumasamo sa sambayanan para makuha ang suporta.

Matuto na tayong tumimbang sa mga matatamis nilang pananalita para hindi magsisi sa bandang huli. Tama na ang pangako na hindi naman natupad. Sino ba ang umangat ang buhay, hindi ba mga pulitiko lamang? Kaya laganap ang kahirapan dahil sakim ang ilang pulitiko sa kapang­ yarihan. Sila-sila ang umaasenso at lalong naging miserable ang buhay ng mga mahihirap dahil walang pro­gra­mang pang­trabaho. Kulang na rin ang pagkain sa hapag dahil kulang ang suporta ng mga pulitiko sa agrikul­tura. Ang mga kabundukan ay kalbo na rin dahil sa walang patu­manggang logging operations kaya madalas na binabaha.

Kung patuloy na padadala sa mga pulitikong ito tiyak na gutom at kalamidad tayo tutungo. Ayon sa ekspertong aking nakausap, ang Pilipinas ay lupaing pang-agrikultura, na kung mapangangalagaan lamang, tiyak na malulunasan ang gutom at kahirapan. Malawak ang ating lupaing pangsakahan na kung matatamnan, hindi na tayo aangkat pa sa ibang bansa. Katulad na lamang sa kakapusan ng asukal, noon, pangu­ nahin tayong exporter ng asukal noon subalit ngayon nag-iimport. Ayon sa nakausap ko, pinatay ng mga hasyendero ang kanilang sugarcane plantation sa takot na kamkamin ang kanilang lupain ng pamahalaan at ipamahagi sa mga mahihirap na magbubukid. Totoo ba ito Noynoy Aquino at Mar Roxas?

Ang Hacienda Luisita ay matagal nang isyu na hang­gang sa ngayon ay masalimuot pa rin sa mga taga-Tarlac na dapat linawin ng mga Aquino. Ang Capiz naman na bal­­warte ni Mar Roxas na kilalang number one sa produk­syon ng asukal sa Kabisayaan ay hindi na matamnan ng tubo. Aanhin ang bahay at lupa kung walang maisu­ subong pagkain?

Kaya mga suki, umpisahan nang pag-aralan ang mga programa ng inyong iluluklok na president, vice president, at senator. Piliin ang makatutulong sa pag-ahon ng ating kabuhayan.

vuukle comment

AANHIN

ANG CAPIZ

ANG HACIENDA LUISITA

AYON

KAYA

MAR ROXAS

NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with