^

PSN Opinyon

Writ of Amparo at Habeas Data

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito tungkol sa isang 400 metro kuwadradong lupa na pag-aari ng probinsiya ng Bulacan na pinauupa­han sa mag-asawang Nita at Mando. Nagmamatigas  ang mag-asawa at ayaw umalis sa lupa kahit pa may pinal na desisyon na sa kasong ejectment ang korte (MTC). Ayon sa mag-asawa, maraming nangyari na ma­giging dahilan upang ipatigil ang pagpapaalis sa kanila. Katunayan nga, nagsampa sila ng kaso ng injunction sa RTC upang mapatigil ang pagpapaalis sa kanila.

Noong Hulyo 19, 2005, nagdesisyon ang RTC pabor sa mag-asawa. Naglabas ito ng permanent writ of in- junction habang inaalam pa ng MTC kung saan at ano ang talagang kabuuan ng sukat ng lupang inuupahan. Sa utos ng MTC noong Enero 2, 2008 na nag-apruba sa ulat sa sukat, naglabas ng pangalawang utos (second alias writ of demolition) ang nasabing korte upang maipa­tupad ang pagpapalayas sa mag-asawa.

Nagawang makakuha ng mag-asawa ng TRO (temporary restraining order) ngunit bago nila ito makuha ay naipatupad na ang demolition. Nguni’t pumasok muli sa lupa ang ginawa ng mag-asawa pati ng mga anak nilang sina Andy at Ding. Naglagay ng mga container van sa paligid ng lugar. Nagsampa rin sila ng petisyon (petition for contempt) sa korte laban sa probinsiya at sa mga pulis dahil sa di-umano ay paglabag ng mga ito sa umiiral na injunction.

Noong Pebrero 21, 2008, habang nililitis ang kaso ng contempt, muling pumasok sa lupa ang mga pulis sa pangunguna ni Supt. Claro, kasama ng mga taga-engineering department, ayon sa kautusan ng Gobernador na muling kunin ang po­ses­yon at pagmamay-ari ng lupa. Pumalag ang mag-asawa pati na ang kanilang mga anak. Pinagtulakan ang mga pulis at ipinilit na hindi maa­aring kunin sa kanila ang lupa dahil sa injunction ng RTC. Ang gina­wa ng grupo ni Supt. Claro, inaresto ang mag-asa­wa pati na ang kanilang mga anak. Kinasuhan din sila ng direct assault, trespassing at light threats.

Nang makapagpiyansa   at makalabas ng kulungan sina Nita at ang mga anak niyang sina Andy at Ding, agad silang nagsampa ng kaso sa RTC para maghain ng mosyon (Motion for Writ of Amparo and Habeas Data). Ayon sa kanila, sa kabila ng umiiral na permanent injunction, nagpatuloy pa rin si Cla­ro at ang kan­yang mga tau­han sa pag­pasok sa lupain gamit ang malalaking maki­narya, si­nira nila ang naka­tayong bakod at tolda, tinakot na sasaktan sila at aarestu­hin nang patuloy silang mag­matigas sa karapatan nila. Ayon din sa sama-sama ni­lang salaysay, “wala ka­ming nagawa upang ipag­tanggol ang aming kara­patan sa lupa na 45 years naming in possession”.

Base sa mga testimonya nila at sinumiteng sa­laysay, naglabas ng writ of amparo and habeas data ang korte. Napatunayan daw ang gina­wa ni Claro at ng mga tauhan na pana­nakit, pananakot, pa­mama­hiya at pagmamaltrato sa mag-asawa, walang ipi­nagkaiba sa tratong martial law police brutality na ika­ka­takot ng kahit sinong ma­ma­mayan”. Tama ba ang korte?

Mali. Ang batas na ti­na­tawag na Rule on the Writ of Amparo (AM 07-9-12-SC) na halos inulit lang sa Rule on the Writ of Habeas Data (AM 08-1-16-SC) ay limitado lang sa pag­bi­bigay proteksyon at pag­tatanggol sa buhay, ka­layaan at seguridad ng tao. Ginagamit ang mga batas na ito upang magbigay li­naw sa malawa­kang pag­patay at pagkawala ng mga sibilyan o ang tinata­wag na “extra-judicial killings & enforced disappearances”.

Upang masakop ng ba­ tas na ito, kailangan mu­nang pa­tunayan ni Nita at ng kanyang mga anak na nanganganib ang kanilang buhay, kalayaan at segu­ridad dahil sa gagawin ng mga pulis. Hindi ito maaa­ring gamitin upang protek­tahan ang lupain nila o anu­mang usapin na may ki­na­ la­man sa komersyo. Hindi rin maaaring magla­bas ng korte ng writ na hindi nilili­naw kung ano ang base- han para dito.

Sa kaso nina Nita, Andy at Ding, maliban sa mga pa­ratang nila sa pulis, wala na­man silang maipakitang pag­labag ng mga ito sa kanilang buhay, kalayaan at seguri­-dad. Ang malinaw pa nga sa ka­ni­lang mga salay­say, ang pini­pilit nilang pro­tektahan    ay ang kara­patan nila sa lu­pain. Kung walang konek­syon ang ini­rerek­lamo nilang ginawa ng pulis sa karapa-tan nila sa buhay, kalayaan at segu­ridad, hindi maaaring pa­ki­alaman sa pamamagi-tan ng writ of amparo at habeas data ang ginawa ng mga pulis.

Isa pa, kahit itinuturing na isang natatanging so­lusyon sa batas ang writ of amparo at habeas data, hindi pa rin ito magagamit upang ipatigil ang pagpapa­tupad ng isang desisyon sa lupa na matagal ng tapos.

Dapat din na hindi na inin­tindi pa ng korte ang isi­ nam­pang petisyon para ma­ka­kuha ng writ of amparo at habeas data dahil may na­ka­binbing kasong kriminal laban sa kanila para sa kasong    “direct assault”. Hin­di naman nila maitatanggi ang ginawa nilang paglaban sa mga pulis. Ang legalidad ng pag-aresto sa kanila ay maaari ni­lang gawing isyu sa paglilitis sa nasabing kaso. (Castillo     et. al. vs. Cruz et. al., G.R. 182165, November 25, 2009).       

        

ANDY

ASAWA

AYON

MAG

NILA

NITA

SHY

WRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with