^

PSN Opinyon

Kabobohan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

AYON sa sumukong Mayor Andal Ampatuan Jr., ang   MILF daw ang may kagagawan sa pagpatay sa 57 ka-tao, karamihan mga kapamilya at taga-suporta ni Buluan vice mayor Ismael Mangudadatu. Tama talaga si Ted Failon, na ang akala ng mga nasa kapangyarihan at poder, lahat tayo tanga at madaling maloko. Itinuro pa ang MILF leader na si Umbra Kato na pumatay sa mga tao. Ah ganun ba? Pero agad namang itinanggi ng MILF spokesman na may kinalaman sila sa krimen. Ano kaya ang pakiramdam ni Umbra Kato sa pahayag ni Ampatuan Jr.? Galit kaya siya? Okay lang ba dahil kapwa Muslim naman ang namintang sa kanya?

Sino naman ang magbibigay timbang sa pahayag na iyan? Unti-unti nang lumalantad ang mga testigo na nagdidiin kay Ampatuan Jr. Ito raw ang nag-utos na pata­yin lahat, at huwag mag-iwan ng ebidensiya. At nandun mismo nang mangyari ang krimen. Kung MILF pala, sino ang humiram sa kanila ng backhoe na ginamit para hukayin ang magiging libingan ng mga biktima? May pangalan ng Ampatuan ang backhoe, at malapit sa bayan ng Ampatuan ang hinukay na libingan. Lahat Ampatuan ang maririnig at mababasang pangalan ukol sa krimen. Sino ngayon ang tanga at bobo?

Binuwag na ang CAFGU at mga grupong armado sa Maguindanao. Kinumpiska ang kanilang mga baril na pawang kinakalawang na M1 Garand na ginamit pa noong WWII. Ang mga basyong nakakalat sa paligid ng mga bangkay ay pang-M16. Sino ang tanga?

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Lorelei Fajardo, hindi puputulin ng administrasyong Arroyo ang pagkakaibigan sa mga Ampatuan sa kabila ng pang­ yayari. Kaya ba hindi kayang putulin ang pagkakaibigan ay dahil maglalabasan ang mga sekreto? Malamang. Sino ngayon ang bobo at tanga?

vuukle comment

AMPATUAN

AMPATUAN JR.

AMPATUAN JR. ITO

DEPUTY PRESIDENTIAL

ISMAEL MANGUDADATU

LAHAT AMPATUAN

LORELEI FAJARDO

SINO

UMBRA KATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with