^

PSN Opinyon

Empleyado o negosyante?

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAG-APPLY ang lalaki bilang janitor sa Microsoft. Inin­terview siya at pinag-eksamen ng human resources    manager. Tapos sinabihan: “Tanggap ka. Ibigay mo sa akin ang e-mail address mo, para ipadala ko sa iyo ang employment contract at araw ng pasok mo.” Wasak-dibdib ang lalaki dahil wala siyang computer kaya wala siyang e-mail. “Gan’un ba?” nanlaki ang mata ng manager. “Kung wala kang e-mail, hindi ka mailalagay sa files namin, kaya hindi ka maari ma-empleyo rito.”

Desperado umalis ang lalaki, pinaplano kung ano ang gagawin sa huling P500 sa bulsa. Sa wakas naisip niyang pumunta sa supermarket at bumili ng 10-kilong kahon ng pinya. Inilako niya ito sa bahay-bahay, at sa loob ng dala­wang oras ay dumoble ang kapital. Tatlong ulit pa siya namuhunan ng P500-pinya, at umuwing may P2,500 sa bulsa.

Nabatid niyang maganda ang kita sa pagpipinya. Kaya mas maaga na siya nagsimula nu’ng mga dumating na araw, at mas gabi na rin umuwi. Hindi bababa sa triple ang nilalago ng puhunan araw-araw. Di naglaon bumili siya ng kariton, na pinalitan niya ng truck, na naging fleet naman ng trucks nang mag-diversify siya sa iba pang prutas.

Lumipas ang limang taon. Naging isa sa pinaka-malaking fruit distribution chains sa kapuluan ang lalaki. Napag-isip-isip niya ang kinabukasan nilang pamilya at binalak niyang bumili ng life insurance. Tinawagan niya ang ahente at pumili ng magandang policy. Pagkatapos ng negosasyon, hiningi ng agent ang e-mail address niya para ipadala ang kumpirmasyon ng napagkayariang insurance plan at premium.

Inamin ng lalaki na wala siyang e-mail. “Nakaka­pag­taka naman,” anang ahente. “Wala kang e-mail pero nakapagtayo ka ng napa-kalaking negosyo. Isipin mo kung saan ka ngayon kung may e-mail ka.”

Nag-isip ang lalaki at sumagot: “Naglilinis ng ku­beta sa Microsoft.”

* * *

Lumiham sa [email protected]

vuukle comment

IBIGAY

INAMIN

INILAKO

ININ

ISIPIN

KAYA

LALAKI

MAIL

MICROSOFT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with