^

PSN Opinyon

Emmanuel Garing, Naujan, Mindoro Oriental

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NGAYON ang libing ni Emmanuel, half brother ni WB Silverio “BIONG’ Garing, ng Laon-Laan Lodge 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines.

May isang misa ngayon 1pm Divine Mercy Viewing Chapel, National Road, Tunasan, Muntinlupa City at sa Everest Hills Memorial Park, ito ililibing.

Ipagdasal natin ang kaluluwa ni Emmanuel.

Amen!

Political Will dapat sa gobierno

WALANG mangyayari sa government of the Republic of the Philippines hanggang pakaang-kaang ito sa mga kalokohan na nangyayari sa kanilang pamama­la­kad.

Sabi nga, political will ang kailangan!

Up to now kasi ay mukhang pinababayaan ng gobierno ang 3 giant oil companies dahil puro salita lang sila na bubuksan ang libro nito para mainspeksyon kung talagang lugi sila sa pagbebenta ng gasoline.

Bakit hanggang ngayon walang nangyayari todits?

Pabaya kasi ang gobierno oras na nagbaba ng presyo ang mga giant oil companies ay hindi na sila guma­galaw kaya naman ang madlang people sa Philippines my Philippines ay naggagalaiti sa buwisit.

Sabi nga, nakaka-asar!

Gusto pa yata ng pamahalaan na magkaroon ng ma­la­kihan pag-aaklas ang madlang people bago sila gu­malaw ng todo.

Libro lang naman ang bubuksan kaya nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kasi nga up to now ay alaws nangyayari todits.

Nagbaba naman ng presyo ang tatlong giant companies ng P0.25 kada litro ng kanilang ibinebentang gasolina kamakailan ang akala kasi nila ay matutuwa sa galak ang madlang people sa kanilang ginawa.

Malaking epekto sa ekonomiya ang nangyayaring pagtaas at pagbaba ng presyo ng gasolina siempre kasama ang iba pang produkto nila.

Sabi nga, pagtaas, taasan lahat.

May latest news coming sa mga multi-national companies tulad ng tubig at kuryente mukhang nakaamba silang magtaas ng singil oras na gumalaw ang tatlong higanteng oil companies.

Kaya ang madlang people ang umiiyak tungkol dito hindi lang gasolina, tubig at kuryente ang tataas kundi magsusunuran ito tulad ng tuition fees, pagkain echetera.

Sa kakarampot na sueldo ng madlang people nakatingala na lamang sila sa gobierno kung anong tulong ang magagawa.

Sabi nga, wala!

LTO, foolish cop nagsabwatan

ISANG mataas na officer ng Philippine National Police dyan sa NCRPO ang mahaharap sa katakut-takot na kaso at puede pang matanggal sa puesto oras na pumalag ang ginago nitong dealer ng sasakyan na kinu­nan ng kamote.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumili ng hulugan brand new pick-up ang foolish cop may ilang buwan na ang nakakaraan.

Ganito ang malungkot na kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing naka-mortgage na vehicle ay na transfer sa isang bebot na tsekwa sa illegal na paraan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na transfer ang papeles sa bebot sa pakikipagsabwatan daw ng Land Transportation Office.

Ika nga, pineke daw ang pirma ni foolish cop.

Nalaman ito ng dealer na kinunan ng vehicle kaya nagpa-imbestiga ang pobreng alindahaw at ng malaman ang kagaguhan ay naggagalaiti sa galit ang kinunan ng brand new vehicle.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘Huwag kayong bumitaw sa kuento matindi ito at baka kayo ang susunod na maging victim’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘May koneksyon ba ang car dealer?’

‘Matitindi ang padrino sa itaas,’ sagot ng kuwagong nilinglang.

‘Ano pa ang mga susunod na kuento tungkol sa foolish cop?’

‘Kamote, hindi ka marunong umintindi kapos nga ang kolum ko.’

Abangan.

CHIEF KUWAGO

DIVINE MERCY VIEWING CHAPEL

EMMANUEL

EVEREST HILLS MEMORIAL PARK

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAON-LAAN LODGE

MUNTINLUPA CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with