^

PSN Opinyon

Walang pagbabago

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HUWAG nang aasahan na may magandang mangya-   yari sa Pilipinas mula ngayon June 30, 2010 na pagta­tapos ng term ni President Arroyo. Nasabi ko ito dahil pawang pamumulitika ang inaatupag ng mga opisyal na nakaupo, habang patuloy naman ang pagbibiyahe sa ibang bansa ng presidente at mga kaalyado nito. Wala na silang oras para pagtuunan ng pansin ang maraming problema ng Pilipinas.

Sa tingin ko, hindi makapagbabayad ng mga utang ang Pilipinas kung ganito ang gagawin ng mga namu­muno. Ayon sa report, P 4.2 trillion na ang pagkakautang ng bansa sa loob ng siyam na taon na panunungkulan ni Arroyo. Kung ginamit ang malaking halagang ito sa ka-pa­kanan ng mga mahihirap sa lipunan, baka naibsan     ang nararanasang kadahupan ng kanilang pamumu-    hay. Sa isang survey kamakailan ng Social Weather    Stations (SWS) nadagdagan ang bilang ng mga nagu­gutom sa nakaraang tatlong buwan.

Kaya hindi masisisi ang nakararami kung bakit nag-pu­puyos sa galit sa walang habas na paggastos ng Pre­si­dente at kanyang mga kaalyado habang nasa biyahe. Malaki ang nagastos sa hapunan sa New York at Washington, DC noong dumalaw kay US President Obama. Matutu­wa ba ang mamamayan kung ang kani­lang presi­dente at mga kaalayado ay milyong piso        ang nalalaspag sa isang hapunan lang? Pero katwiran naman ng isang Cabinet man, malaki raw namang pera ang naiuuwi ng Arroyo administration pagkagaling sa biyahe. Malaki ang pasalubong.

Hindi ako kumbinsido. Sa aking palagay, wala. Pansa­rili lang ang kanilang mga inaatupag. Ngayong papalapit na ang 2010 elections, lalo nang wala nang panahon ang mga pinuno sa kapakanan ng mamamayan. Sarili muna bago ang iba. Porma na muna sa pagtakbo sa 2010.

Sa nakararami, walang pagkakaiba nung unang ma­upo si GMA hanggang ngayon. Marami pa ring na­ gugutom, walang trabaho, la­ganap ang krimen, laganap ang corruption, talamak ang human rights vio­­lations, ma­ gulo pa rin sa Mindanao, pa­tuloy ang jue­teng, illegal drugs, illegal logging at pa­ma­mayagpag ng smugglers.

Walang pagbabago at naging masama pa.


vuukle comment

AYON

MALAKI

NEW YORK

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT OBAMA

SHY

SOCIAL WEATHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with