^

PSN Opinyon

'Angkas' (Ride along with US cops)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PANGALAWANG linggo na ngayon ng BITAG sa California, USA. Nagsimula kami sa Daly City, California at ngayong linggong ito, sa City of Vallejo naman.

Naisagawa na ng BITAG ang aktuwal na ride along    o pag-“angkas” sa loob mismo ng mobile patrol car ng    Daly City police, simula alas-9 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling-araw nitong nakaraang Huwebes.

Aktuwal na naidokumento ng BITAG ang mga pagres­ponde ng kanilang mga mobile patrol sa mga tawag     mula sa kanilang communications department o 911.

Ito ‘yung mga maituturing na emergency calls tulad ng mga disturbance o gulo at mga kahina-hinalang akti­bidades ng mga indibidwal na itinawag sa 911 ng Daly City Police.

Layunin ng BITAG na mabigyang-diin ang mga ma­ipagmamalaki nating Fil-Am cops na kakaiba sa mga   pulis natin.

Gusto naming maipakita sa mga manonood at maipa­alam sa kolum na ‘to na malaki ang kanilang pagkakaiba.

Dito sa Northern California U.S.A, isama na natin ang buong Estados Unidos, ginagalang, kinakatakutan at sinusunod ang mga pulis.

Napansin namin ang mga patrol officers ng Daly City police na sinanay pagdating sa “forensic” sa mga graffiti kung ito ay kagagawan ng gang o simpleng graffiti tag-gers na walang magawa kundi dumihan ang mga pader.

Ganito rin ang misyon ng BITAG, maisagawa ang ride along sa Vallejo City Police ngayong linggong ito at mapa­sama sa kanilang operations laban sa mga sex offender sa ilalim ng “Megan’s Law”.

Lahat ng ito, abangan sa susunod na buwan bilang anniversary special ng BITAG.

vuukle comment

AKTUWAL

BITAG

CITY OF VALLEJO

DALY CITY

DALY CITY POLICE

ESTADOS UNIDOS

NORTHERN CALIFORNIA U

VALLEJO CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with