^

PSN Opinyon

DH sa Hong Kong

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

SI Amanda ay domestic helper sa Hong Kong. Naging amo niya si Mrs. Sy. Trabaho niyang mag-alaga ng anak ni Mrs. Sy. Ayon sa dalawang taong kontrata niya rito sa tulong ng isang local placement agency, makatatanggap siya ng HK$2,500 kada buwan. Mabibigyan din daw siya ng isang araw na pahinga kada linggo na si Mrs. Sy ang magtatakda ng araw. Bukod dito, sinuman sa kanila ay maaaring magtapos ng kontrata bago pa man ang itinak­dang petsa subalit kaila­ngang maglaan ng isang buwang abiso na nakasulat. Subalit kapalit ng abiso, puwedeng bayaran na lamang o ipagkait ang isang buwang suweldo. Gayunpaman, maaaring tapusin ni Mrs. Sy ang kontrata kapag nagkasala si Amanda.

Subalit mula nang dumating si Amanda at nakapag­trabaho kay Mrs. Sy, hindi siya nabigyan nito ng isang araw na pahinga. Kaya, kinulit niya ito subalit, pinagba­walan pa siya ni Mrs. Sy na makipagkita sa ibang Pilipino sa Hong Kong. At di kalaunan ay tinanggal siya ni Mrs. Sy at pinabalik sa Pilipinas makaraan ang dalawang buwang pagsisilbi. 

Nagsampa ng illegal dismissal at illegal exaction si Amanda laban kay Mrs. Sy at sa local placement agency. Sumagot si Mrs. Sy sa pamamagitan ng telefax kung saan sinabi niyang sinaktan daw ni Amanda ang kanyang anak at nakita pa raw ito ng guro ng bata. At para pabulaanan ang bintang ni Amanda na pinagbawalan niya itong makipagkita sa ibang Pilipino, nagsumite siya ng isang sinumpaang salaysay ng isang Pilipinong nagtratrabaho sa Hong Kong na nagsasabing nakikipagkita sa kanya si Amanda sa Center Square Garden. 

Ayon din kay Mrs. Sy at ng agency, balido ang dahilan nila para tapusin na ang kontrata. Bilang patunay ay isinumite nila ang kopya ng telefax ni Mrs. Sy. Iginiit din ng agency na kahit walang ginawang kasalanan si Amanda, legal daw ang pagtatapos ng kontrata ni Mrs. Sy dahil sinunod naman nito ang kasunduan na bayaran ang isang buwang sweldo kapalit ng abiso pati na rin ang pagbabayad nito sa tiket sa eroplano ni Amanda. Tama ba ang local placement agency?

MALI. Ang telefax ay hindi sapat na ebidensya para pa­tunayan ang pagkakamaling ginawa ni Amanda. Ang nasabing dokumento ay hindi suportado at madaling gawin upang paboran ang interes ng isang partido. Ang pinakamabisang ebidensya sana ay ang salaysay ng guro ng anak ni Mrs. Sy at ang personal na pagharap ng Pili­pinong gumawa ng salaysay na nakikita niya si Amanda sa Center Square Garden. Kaya, ang pagdismis kay Amanda ay walang balidong dahilan labag sa garantiya niya sa trabaho.

Samantala, ang pagbibigay ni Mrs. Sy ng isang buwang suweldo at ang pagbabayad niya sa tiket ni Amanda ay hindi mangingibabaw sa ilegal na pagdismis dito. Ang nasabing kasunduan ay hindi naaayon sa ating batas dahil ang pagdis­mis sa isang empleyado ay dapat na malinaw na nakasaad sa isang kontrata. Kaya, iginawad kay Amanda ang HK$55,000, ang halaga ng suweldong kikitain niya ayon sa kontrata at 5 percent ng kabuuan ng attorney’s fees (EMS Manpower, etc. vs. NLRC, et.al. G.R. No. 107723, July 24, 1997).

AMANDA

AYON

CENTER SQUARE GARDEN

HONG KONG

ISANG

KAYA

MRS

MRS. SY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with