^

PSN Opinyon

Isinakripisyo ni Tambunting.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

(Huling bahagi)”

KAWALANGHIYAAN at panloloko, eto ang nabanggit ng hepe ng legal division ng Bureau of Internal Revenue sa ginawa ng Tambunting Holdings and Management sa kanilang dating empleyado.

Bagamat hindi kami pinahintulutan ni Atty. Maperopa Cantillep na interviewhin siya sa harap ng camera, ikinasa ng BITAG ang aming candid camera.

Naniniwala kami na walang anumang masama o foul sa mga sinabi ni Atty. Cantillep kung kaya’t inilabas namin ang nasabing candid ‘camera interview.

Sa katotohanan ay naawa pa si Atty. Cantillep sa kasa­ma naming biktima dahil maging siya, ng makita ang itsura at kalagayan ni Ruchel, kumbinsidong hindi nga ito ang presidente ng Galleon Pawnshop sa Tabacco, Albay.

Hindi na raw sila nabibigla sa mga kasong tulad nito dahil may mangilan-ngilang mapagsamantalang kum-panya ang gumagamit ng pangalan ng kanilang mga em­ pleyado bilang dummy na opisyales ng kanilang negosyo.

Estilo raw ito ng mga magagaling na kumpanyang gustong takasan ang kanilang pananagutan sa BIR tulad ng pagbabayad ng buwis.

Ayaw nilang madungisan ang kanilang pangalan kaya’t para hindi habulin, makasuhan at malagay sa kahihiyan ang kanilang pangalan, mga kawawang inosenteng empleyado ang sasalo ng parusa ng kanilang katiwalian.

Dahil dito, itinawag ni Atty. Cantillep sa BIR Tobacco, Albay ang kaso ni Ruchel. Dito, nakausap niya mismo ang abogadong nagsampa ng kasong tax evasion kay Ruchel sa pangalan ng Gal­leon Pawnshop.

Nakaiskedyul si Ruchel na pumunta ng Bicol upang gumawa ng affidavit upang linisin ang kanyang panga­lan.

Nakatakdang samahan ng BITAG si Ruchel sa pag­­kakataong ito at dito, matu­tuk­lasan ang mga kasong tina­tawag na Run After Tax Evasion o RATE.

Hindi pa kami tapos sa kasong ito at hindi kami pa­payag na walang mana­na­got sa problemang ito. Sisi­guraduhin ng BITAG na ma­­bubukulan ang da-   pat mabu­kulan!

vuukle comment

ALBAY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CANTILLEP

GALLEON PAWNSHOP

KANILANG

MAPEROPA CANTILLEP

RUCHEL

RUN AFTER TAX EVASION

SHY

TAMBUNTING HOLDINGS AND MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with