Congrats sa 700-Club
SIMULA sa Pebrero 2, isang oras na ang dating kalaha-ting oras lamang na 700-Club Asia TV program na napapanood sa Q-TV ng GMA on weeknights sa ganap na alas-onse ng gabi.
Nitong darating na Lunes, January 26, sa ganap na 10:30 ng umaga ay magkakaroon ng contract signing between GMA 7’s Atty. Felipe Gozon and The 700 Club Asia’s Peter Kairuz at Coney Reyes para maging full hour na ang programa.
Huwag ismolin ang programang ito. Marami nang mga taong desperado at nasa bingit ng pagpapatiwakal ang nasagip sa pakikinig sa dalang mga mensahe ng Diyos sa palatuntunang ito. Di na rin mabilang ang mga taong may malubhang karamdaman na nagbalik-loob sa Diyos matapos na sila’y gumaling dahil sa mabisang panalangin ng mga anchor ng programa. There is really power in the Word of God! Wala pang 700-Club Asia, pinanonood ko na ang “imported version” nito which was anchored by Pat Robertson at Ben Kinchlow.That was decades ago, and believe me, napakalaking pagbabago sa aking buhay ang naidulot ng programang ito because it taught me how to make Christianity a way of life and not only an empty ritualistic religion. Hindi lamang kasi preaching ang ginagawa ng CBN Asia kundi aktuwal na pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Operation Blessings. Kung magugunita, ilang taon na ang nakalilipas ay naganap ang malagim na trahedya sa pagkasunog ng Ozone Disco. Maraming kabataan na nasunog ang katawan ang naipagamot ng Operation Blessings noong mga panahong yon. Sa tuwing may kalamidad, naririyan ang tulong mula sa Panginoong Diyos hatid ng CBN-Asia.
Of course, dapat pasalamatan ang mga taong tumutulong in terms of prayers and finances sa gawaing ito ng CBN-Asia. Sila ang hinihipo ng Diyos para maging conduit ng Kanyang pagpapala.
Ang kailangan natin ngayon ay genuine conversion to God dahil bagamat sari-saring relihiyon meron tayo, hindi naman natin isinasabuhay kaya magulo pa rin ang mundo. Talamak pa rin ang graft and corruption sa gobyerno at ang kriminalidad sa lipunan.
The 700 Club Asia is an inspirational magazine show produced by CBN Asia which airs weeknights at 11:00 PM with Peter Kairuz, Coney Reyes, Maricel Laxa-Pangilinan, Kata Inocencio and Felichi Pangilinan-Buizon.
Ang paglalagda ng kasunduan ay gagawin sa opisina ni Atty. Gozon sa GMA Network Center. My prayer is, magkaroon sana ng 700-Club show sa prime time at araw-araw para mas maraming kababayan natin ang maabot ng mensahe ng Panginoong Diyos.
- Latest
- Trending



















