Atty. Silverio Garing, Prez ng FEU Law Alumni Association
NAHANGAL este mali nahalal pala si Muntinlupa City Registry of Deeds Atty. Garing bilang bagong panggulo este Pangulo pala ng Far Eastern University Law Alumni Association.
Ipinaaabot ni Atty. Garing, ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga Board of Directors at kasapi ng nasabing asosasyon dahil sa tiwalang pamunuan nito ang nasabing FEU Law Alumni Association sa year 2009 up to 2010.
Sinabi ni Biong sa kanyang mga kasamahan na gagawin niya ang lahat para mapaliguan este mali mapaglingkuran pala ang kanyang mga panyeros at panyeras sa nabanggit na samahan.
Taos pusong nagpapasalamat si Atty. Garing kina Atty. Loreta Ata at mga official sa pagbibigay ng suporta sa nasabing eleksyon.
Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, at ang buong samahan ng Laong - Laan 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines si Biong sa kanyang pagkapanalo.
Sabi nga, CONGRATS!
* * *
QCPD, nagsalita tungkol sa mga kumpiskadong firecrackers
MABILIS na nagsalita si Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, ang bossing sa Quezon City Police District regarding sa mga malalakas na paputok na kinumpiska nila bago mag-New Year sa iba’t ibang pamilihan sa Kyusi.
Ginisa este mali inisa-isa palang tinanggalan ng mga pulbura ang mga malalakas na paputok at sabay - sabay na sinunog sa isang malaking drum para walang masabi ang madlang people sa Kyusi na ginamit ng mga pulis ang paputok para sa kanilang sariling interes.
Sabi nga, iba si Gatdula!
Hinihintay naman ng mga kuwago ng ORA MISMO, para magsalita kung ano ang ginawa ng pulisya sa Manila tungkol sa mga paputok na kinumpiska nila Nelson Yabut, ng MPD.
Asan ang mga paputok ngayon?
Sangkatutak na malalakas na paputok ang ibinulsa este mali sinamsam pala nina Yabut sa mga tindero na lumabag sa butas este batas pala.
Ipinagbabawal kasi ng mga autoridad ang malalakas na paputok para makaiwas sa maaring disgrasiya na idudulot nito.
Hindi birong halaga ang nalugi sa mga owner ng paputok na nakumpiska kaya lang alaws magagawa ang mga policemen dahil ipinagbabawal ito.
Nagtatanong ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano ang ginawa sa mga nakumpiskang paputok ni Yabut?
Ganuon rin ang katanungan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano rin ang ginawa sa mga paputok na nakumpiska sa Valenzuela City?
Abangan.
* * *
Isyu ng suhulan blues
MATINDI ang batohan ng baho regarding sa sulsulan este mali suhulan blues pala sa isyu ng tinaguriang alibangbang este ‘ALABANG BOYS’ na sinakote dahil sa pagiingat daw ng mga illegal drugs.
Pati si Usec Ric Blancaflor ay nakaladkad ang pangalan todits dahil siya ang inginungusong tumawag sa PDEA regarding sa Alabang Boys.
Kaya naman dumami ang kritiko ni Ric dahil sa pagkakatawag niya sa telepono tungkol sa status ng mga nahulihan ng droga.
Siya tuloy ang nalagay sa balag ng alanganin dahil sa telephone call sangkatutak ang mga kritiko tungkol sa usapan blues.
Maraming sinasabi pero puro tsimis lang ang naglalabasan at ito daw ay subject for verification.
Kawawang Ric, tumulong lang siya ngayon ang iniipit ng kanyang mga critics.
Hay buhay Pinoy.
Dapat talagang imbestigahan ang tungkol sa isyung ito para malaman ng madlang people sa Philippines my Philippines kung totoong nagkaroon ng sulsulan este mali suhulan pala.
P50 million ang pinaguusapan pitsa todits.
Sabi nga, halos katulad din ng ZTE-NBN deal ang ito? Hehehe!
- Latest
- Trending














