^

PSN Opinyon

Inutil ang PNP na mapigilan ang mga 'trigger happy'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KULANG ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa mga “trigger happy” dahil sa lumobo ang mga nabiktima sa nakaraang New Year celebrations. Inutil pa rin ang kapulisan para mapigilan ang makakati ang kamay sa gatilyo tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Umabot na sa 37 ang biktima ng mga tinamaan ng bala at kasalukuyang nakaratay sa ospital. Subalit maging ang PNP ay blanko sa mga naturang insidente kaya mababaon na lamang ito sa limot.

Ngunit ang mga biktima ay habambuhay na nilang tataglayin ang bakas na dulot ng mga nagpaputok ng baril. Alam kaya ng mga sira-ulong gun owner ang nagawa nilang perwisyo sa kanilang kapwa? Marahil hindi! Dahil kung alam ng mga ito ay hindi nila gagawin dahil alam naman nila na ang bala ay walang sinisino kapag pina­putok sa ere. At dahil nga sa kayabangan na nakasana-yan na nilang magpaputok ng baril tuwing Bagong Taon mga inosente ang napipirwisyo.

Ang masakit pa, walang malakas ang loob na umamin sa kanilang kalokohan. Ganyan kalupit ang mga iresponsableng gun owner, malalakas ang kanilang loob magpaputok subalit takot umako ng responsibilidad. Habang patuloy silang nagtatago, makaaasa pa rin tayo sa hinaharap na mangyayari uli ito at banta sa buhay. Inutil ang PNP na tugisin ang mga ito.

Ngayon palang mga suki, magmatyag na sa kapa­ligiran. Manmanan kung sinu-sino ang mga may baril sa ating paligid upang madali nating maituro ang mga ito. Dahil kung aantayin na kumilos ang PNP tiyak na ubos na ang ating lahi bago nila mahuli.

Katulad na lamang sa pagtangis ni Aling Lea Medina ng Bacoor, Cavite sa kanyang anak na si Melody, 6, na tinamaan sa ulo ng ligaw na bala noong bisperas ng New Year. Hindi akalain ni Aling Lea na mapapahamak ang kanyang anak matapos pag­ bawalan ang buong pamil­ya sa paggamit ng paputok at lusis na lamang ang ga­mitin para masaya ang pag­salubong sa Ba­gong Taon.

Ngunit sa kasagsagan ng selebrasyon, bigla na lamang bumagsak si Melo­dy sa sahig. Buong akala ni Aling Lea, nadapa la­mang ang kanyang anak, ngunit nang makitang dumudugo ang ulo ng anak ay agad niyang dinala sa Las Piñas General Hospital at gina­mot. Umuwi rin sila mata­pos na gamutin subalit na­pansin niya na patuloy pa rin sa pagdurugo ang sugat at nagdidiliryo na ang kan­yang anak kaya itinakbo nila sa PGH.

Natuklasan na may na­kabaon na bala sa bungo   ni Melody. Sa ngayon, nai­su­sumpa ni Aling Lea ang may kagagawan nito at na­nanawagan sa lahat ng kapitbahay na matulungan silang matunton ang sala­rin. Kumakatok siya sa PNP para mapigilan ang pagda­mi ng mga “trigger happy”.

Sa PNP, gumawa kayo ng hakbang para matunton ang mga nagpaputok ng baril noong Bagong Taon. Simulan na ninyo at huwag nang mangako!

vuukle comment

ALING LEA

ALING LEA MEDINA

BAGONG TAON

DAHIL

GENERAL HOSPITAL

INUTIL

LAS PI

NEW YEAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with