^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lubog na naman!

-

HINDI pa lubusang naiaahon lahat ang mga bangkay nang lumubog na M/V Princess of the Stars sa Sibuyan Island, Romblon, meron na na­mang lumubog at marami rin ang namatay. Walang sama ng panahon nang maglayag ang MB Don Dexter Cathlyn, isang interisland ferry na may 119 pasa­hero nang biglang abutin nang malakas na hangin sa laot. Patungong Bulan, Sorsogon ang ferry galing Dimasalang, Masbate nang abutin ng tinatawag na “subasko” o malakas na hangin na may kasamang ulan habang nasa laot. Apatnapu’t dalawang pasahero ang namatay sa trahedya at karamihan ay mga bata.

Walang sama ng panahon o mga babala na may­roong parating na bagyo kaya nakapaglayag ang ferry. Pero ang nakapagtataka, nakaalis ito kahit na maraming pasahero. Hindi nga sa sama ng panahon o bagyo lumubog ang ferry kundi sa maraming pasa­hero na laman nito. Sabi ng mga awtoridad, overloaded ang ferry kaya nang abutin nang malakas na hangin ay agad na lumubog. Sabi ng isang naka­ligtas, sobra-sobra ang dami ng pasahero ng ferry kaya mabilis ang naging paglubog nito. Nag-ipon-ipon daw ang mga pasahero sa isang bahagi ng ferry kaya mabilis ang pagtagilid hanggang sa lumubog na. Naganap ang paglubog dakong alas-dos ng hapon. Sabi ng mga nakaligtas, napuno ng iyakan ng mga bata ang ferry habang unti-unting lumulu­bog pero wala raw silang magawa para iligtas ang mga ito. Sila man daw ay kailangan ding iligtas ang sarili.

Naulit na naman ang trahedya at malinaw na ang ka­pabayaan na naman ng coast guard ang dahilan kaya nakapaglayag ang ferry. Ang coast guard la­mang ang nagbibigay ng signal para makaalis sa port ang sasakyang dagat. Ano ngayon ang masasabi ng coast guard na lumubog na ang ferry dahil overloaded?

Tiyak na magtuturuan na naman sa bagong tra­hed­yang ito. Tiyak na magkakaroon na naman ng im­bestigasyon kung sino ang dapat sisihin sa paglu­bog na ito. At sa dakong huli, wala rin namang mang­yayari sa mga imbestigasyon. Paulit-ulit na mang­yayari ang trahedya at ang mga kawawang pasahero ang iniuumang sa kamatayan.

Marami nang naganap na paglubog ng barko at ang karamihan ay malalagim kagaya ng nangyari sa M/V Dona Paz na 4,000 katao ang namatay. Subalit kahit na ipaalala pa ang mga trahedya sa dagat, wala pa ring leksiyon na makuha. Isinusubo pa rin sa ka­ matayan ang mga pasahero. Kailan kaya matututo?

vuukle comment

DON DEXTER CATHLYN

FERRY

NANG

PATUNGONG BULAN

SABI

SHY

SIBUYAN ISLAND

TIYAK

V DONA PAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with