^

PSN Opinyon

'Baril ang Batas'

- Tony Calvento -

MERON TAYONG BATAS at tamang proseso upang mailagay sa ayos ang anumang problema na kinasa­sangkutan ng dalawang nagtutungaling panig. Walang karapatan ang sinuman na gumamit ng dahas o pairalin ang pera, baril at goons sa pagresolba ng problema. Kung mangyayari yan para tayong bumalik sa panahon ng “Wild, Wild, West”

August 29, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Glenda Noval 39 taong gulang. May dalawang anak at asawa ng namatay na si Jim Brian Noval. Siya ay 30 taong gulang. Sila ay nakatira sa Muntinlupa.

Kasama niya sila Eva Noval na ina ni Brian at Lallie Noval na kapatid ni Brian.         

“Tulungan niyo po kami dahil pinatay ang asawa ko. Nakilala na ang bumaril sa kanya at alam din namin kung sino ang nag-utos na ipapatay ang asawa ko,” sabi ni Glenda.

July 28, 2008 alas nuebe ng gabi initusan ni Brian si Glenda na pumunta sa Alabang at may pinapuntahang tao para kausapin.

Sandali lang nawala si Glenda at bandang alas nuebe y media ng gabi ay nakabalik na siya sa bahay nila. Naabutan niyang maraming tao ang nakapaligid rito at may mga pulis.

Sinabi ni Eric Noval nakababatang kapatid ni Brian kay Glenda na dinala sa Alabang Medical Hospital ang kanyang asawa dahil nabaril ito.

Agad na pumunta si Glenda sa nasabing ospital. Pagdating niya dun nasa emergency room ang kanyang asawa.

“Hindi na ako pumasok ng emergency room. Hindi ko kaya. Napaupo nalang ako at pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko lalo na nung sinabi sa akin ng doctor na patay na si Brian,” kwento ni Glenda.

Dahil sa bigat ng nararamdaman ay umuwi na si Glenda.

Sa bahay nila ibinurol si Brian at inilibing sa Everest Muntinlupa noong August 2, 2008.

Habang nakaburol si Brian ay nagfile na ng kasong Murder si Glenda sa Prosecutors Office ng Muntinlupa City.

Ayon sa witness na si Merjul Piape mas kilala sa tawag na “Jun” 24 taong gulang. Tagahugas ng mga galon sa water station nila Glenda. Habang nakikipag-usap si Brian sa mga bisita niya sa labas ng kanilang bahay ay biglang dumating ang isang lalaki at tumapat sa kanila.

Yung unang pagputok ng baril ay nakita niya kaagad ang muka ng suspect. Agad na pumasok sa loob ng bahay si Jun para sabihin sa mga kasama nila ang nangyari kay Brian.

Paglabas nila ay nakatakbo na ang suspect at isinugod na rin si Brian sa ospital.

Matapos ang pangyayari ay umalis si Jun at umuwi ng Panga­sinan dahil na rin sa takot.

Makaraan ang apat na araw na burol ay bumalik rin ito upang tumestigo kahit puno ng pangamba. Pagkabalik ni Jun ay pumunta kaagad sila sa police station. Pinakitaan siya ng mga pictures ng mga wanted na tao at positibo niyang nakilala si Chivas Gerona na bumaril kay Brian.

Si Chivas ay kilalang hired gunman at meron na ring nakabinbin na kaso.     

Ayon kay Glenda isa lang at kilala niya ang mga taong may motibo para ipapatay si Brian. Ito ay ang mag-asawang sina Alicia San Pedro at Roberto San Pedro.

Taong 2003 ng nangupahan ng tatlong pwesto sila Brian at Glenda kanila Alicia at Roberto para gawing bigasan, water station at meat shop. Naging maayos ang kanilang pagsasamahan pati na rin ang takbo ng kanilang negosyo.

“August 2007 ay kinausap kami ni Alicia at may binibigay siyang mas malaking pwesto. Napagdesisyonan namin ng Mister ko na kunin ito kaya nung September 4, 2007 ay nagdown na kami ng 140,000. Sinabi niya na hintayin namin na umalis ang dating nangungupahan sa September 15, 2007. Pumayag kami at sinabi ko na kailangan makuha na namin ang pwesto sa araw na yun dahil pera ng bigasan yun at kung made-delay hindi mag­ooperate ng maayos yung bigasan,” kwento ni Glenda.

Pagdating ng September 15, 2007 ay hindi pa rin umaalis ang umuupa at naki-usap si Alicia na maghintay muna hanggang katapusan.

Pagdating ng katapusan ng September ay hindi pa rin naka­kaalis ang nangungupahan hanggang sa umabot ang December 2007 at hindi na rin nakikipag-usap si Alicia sa kanila.

Nagsara ang bigasan nila Glenda at sumunod dito ang water station dahil sa hindi ito mapatakbo ng maayos dahil sa inilabas nilang pera.

January 2008 may dumating na summon mula sa Barangay at pinapatawag sila Brian at Glenda. Pumunta si Brian at nag-usap sila ni Alicia.

“Pinapaalis na kami sa pwesto ni Alicia. Bakantihin na raw namin ito. Hindi pumayag ang asawa ko at gusto niya na ibalik niya yung perang kinuha niya. Hindi nagkasundo ang asawa ko at si Alicia,” sabi ni Glenda.

Naghearing sila sa Barangay pero wala ring nangyayari.

May 2008 bandang alas otso ng gabi nagbabantay sila Brian, Eva, Erik at si Neneng asawa ni Erik sa meat shop ng dumating si Alice at si Roberto kasama ang tatlong lalake.

Ayon kay Glenda ay kinuha ni Alicia ang kutsilyo at pinagtataga ang mga ilaw pati na ang mga baboy. Pinagmumura sila at sinabing “Pagpapatayin ko kayong magkakapatid.”

Matapos ang insidente ay pumunta sila sa CIDG upang magfile ng Malicious Mischief, Threats and Attempted Homicide.

July 24, 2008 may inutusan sila Alicia at nagpunta sa bahay nila Glenda upang makipag-ayos.

“Sinabi ni Brian na sa hearing na lang sila mag-usap. Ngayong nagsampa na ng kaso ngayon sila makiki-usap. Des­idido na talaga kami sa kaso para maturuan sila ng leksyon,” sabi ni Glenda.

Kinabukasan July 25, 2008 ay binaril na nga si Brian at sa dibdib ang tama.

“Hindi ko alam kung paano nila nagawa sa asawa ko yun. Sila lang ang may dahilan para ipapatay ang asawa ko dahil kinasuhan namin sila. Sana mabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Brian at mahuli na si Chivas Gerona ang bumaril sa kanya,” pahayag ni Glenda.

Binigyan namin sila ng referral kay Dir. Nestor Mantaring ng National Bureau of Investigation (NBI) at kay Deputy Director for Operations na si Atty. Reynaldo Esmeralda (NBI) para magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon sa kasong pagpatay kay Brian.  

PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay ma­tatagpuan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: [email protected]

ALICIA

ASAWA

AYON

BRIAN

GLENDA

KAY

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with