^

PSN Opinyon

Pagkain o panggatong?

K KA LANG - Korina Sanchez -

(Ikalawa/Huling Bahagi)

Kapag pinag-uusapan ng mga nakaaalam o mga eksperto, hindi madali ngunit mayron naman talagang lunas ang pro­blemang ito ng pagkain at enerhiya sa Pilipinas.  Biniyayaan tayo ng napa­karaming natural resources, napakasuwerte daw talaga ng Pilipinas.  Pero heto ang mga hinalal nating mga lider ng ating bansa — mula barangay chairman, konsehal, Ma­yor, Governor, congressman, senador at Presi­dente.  Nakakabigay ba sila ng solusyon?  Kung mayroon man ay bakit hin­di natin nararam­da­man?  Tila ang mga biya­ya ng ating lupa ay ipit sa gitna ng panganga­ilangan ng bayan at ng mapagsariling interes ng mga namamahal sa mga lupaing ito — kung hindi man dahil sa gina­gamit ito para sa sariling kabusugan ng mga may kapangyarihan ay dahil sa kabobohan ng pagpaplano.

Hindi kasi suportado ng gobyerno ang mga programa na sumusulong ng biofuels. Kahit may Biofuel law na tayo. Iba ang prioridad ng gobyer­ no na sigurado malakas ang impluwensiya ng malalaking kompanyang petrolyo. Sa diesel lang, napakaraming klaseng mantika ang pwedeng baguhin lang ng bahagya para magamit bilang gatong sa mga makinang diesel. Sinasabi ng mga kompanyang petrolyo na masama sa makina ang mga produktong ito, pero sa totoo, mas maganda pa tumakbo kapag bio­diesel ang ginamit, at marahan pa sa kalikasan. Ang unang makinang diesel ay inimbento para tumakbo sa mantika ng mani! Kaya sa Thailand, maraming lupa ang tina­taniman ng puno ng ni­yog, na pinaggaga­lingan ng palm oil. Hindi pa hihinto ang pagtaas pa ng presyo ng krudo. Matagal na tayong hawak sa leeg ng mga bansang maya­man sa langis. Panahon na para humanap ng mga alternatibong pangga­tong. At kung nagagawa ng Thailand ang magan­dang balanse ng pagkain at panggatong, bakit hindi natin magawa? Kasi ayaw banggain ng gobyerno ang mga kumpanya na nag-aalaga rin sa kanila, na tumutulong para ma­natili sila sa kapang­yarihan!

vuukle comment

BINIYAYAAN

BIOFUEL

HULING BAHAGI

IKALAWA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with