^

PSN Opinyon

Fred Lim Avenging Guardian: F.L.A.G.

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Laman ng balita kamakailan ang lungsod ng Maynila sa ma­lawakang pagtanggal ng mga poster na pinakalat ng pa­mahalaan sa okasyon ng National Flag Day at Independence Day. Halos lahat ng pader sa Metro Manila ay may litrato ng ating napakagandang pambansang bandila na nakawagayway ngunit may patong na mga katagang “PILIPINAS KONG MAHAL.” — Maliban sa kahabaan ng Maynila.

Ayon sa R.A. 8941, ang “Flag and Heraldic Code of the  Philippines”, Sec. 39(f), malinaw na ipinagbabawal ang sumusunod: “to add any word, figure, mark, picture, design, drawing, advertisement, or imprint of any nature on the National Flag.” Bilang mahusay na abogado, naintin­dihan ni Mayor Alfredo S. Lim na ang imahe ng pamban­sang watawat, maging ito man ay sa aktwal na tela o sa papel, ay hindi dapat sina­salaula ng kahit na anong  bagay o sulat kung kaya agad niyang pinatanggal ang mga illegal na poster at mahigpit na binalaan ang sinu­man – maging mga alagad ni Gng. Arroyo —na huwag itong ipaskil sa Maynila.

Ang kabayanihang ipinamalas ni Mayor Lim sa pag­tang­gol sa bandila, sa mukha ng puwersa ng Malakan­yang, ay nagbigay daan upang muling sariwain ang kabayanihang nasa likod nito. Lubhang napapalayo na sa ulirat ng tao ang makulay nitong kasaysayan na hango at nakatali sa ating kasaysayan.

Dagat ng dugo ang puhunan ng ating mga kapatid upang matagumpay itong maitaguyod bilang simbolo ng ating bayan. Sa pamamagitan ng R.A. 8941, siniguro ng ating mga mam­ babatas ang pag-aalay ng kaukulang respeto sa watawat na kumakatawan sa Pilipinas. Ang ganitong paglagay ng mga katitikan sa bandila, gaano man kaganda ang intensyon, ay pinagbabawal ng batas. Simpleng-simple. Walang pulitika. Hindi natin ito mapahahalagahan ng wasto kung ito’y gagawin sa pa-  ra­ang labag sa batas.

Lumabas na katawa-tawa ang mga nangha­mon sa inten­syon ni Ma­yor Lim na pairalin ang batas. Ma­ rahil ay mabu­ting paalala­hanan ang mga ito na wa­lang pakung­­da­ngang tu­mawag sa kanya na “unpatriotic” kung ano ang tunay at payak na kahulugan ng salita. Ang pinakamataas  na uri ng “pat­riotism” at nas­yo­na­lismo ay ang pagsu-nod  sa batas. Kung meron  mang “un-patriotic”, ito ay ang pakikilahok sa debate na walang sapat na pag-una­wa sa batas at layon la­mang ay manira ng kredibi­lidad na walang basehan.

vuukle comment

FLAG AND HERALDIC CODE

INDEPENDENCE DAY

MAYNILA

MAYOR ALFREDO S

MAYOR LIM

NATIONAL FLAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with