^

‘Dalawang taong gulang pinatos?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento () - May 2, 2007 - 12:00am
HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG ANONG SARAP ang nakukuha ng isang tao sa panggagahasa ng isang babaeng walang kalaban laban, Napakaganda ng relasyon ng dalawang nagmamahalan at kung kusang loob na ibinibigay ang sarili sa isa’t isa.

Heinous crime ang klasipikasyon ng Rape, Mas lalong bumibigat ang kaso kung biktima ay isang dalawang (2) taong gulang na babae. Isang musmos pa lamang. Sino ang hayok at demonyong may kagagawan nito, ating alamin mula sa kwento ng ina ng bata.

Nagpunta sa aming tanggapan si Jhoanna San Bueneventura ng Quezon City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong isinampa nito laban sa asawa ng kanyang tiyahin.

Tubong Camarines Sur si Jhoanna subalit nang makatapos ito ng high school lumuwas ng Maynila upang dito maghanap ng trabaho noong taong 2000. Sa kapatid ng kanyang ama, Mamay Shirley kung tawagin niya ito. May asawa ang kanyang tiyahin, si Jimmy Velasco na siyang ring suspek sa kasong inilalapit ni Jhoanna. Hindi naman pinalad na magkaroon ng anak ang mag-asawa.

Madalas makita ni Jhoanna na bumibili ng mga sexy at x-rated vcd si Jimmy. Nakikita rin nitong binabasa niya ay mga diyaryong kung saan mga larawan ng mga sexy babae ang nakatambad dito. Isang gabi, pinagtangkaan ’di-umano ni Jimmy si Jhoanna na pagsamantalahan. Dahil sa pumalag siya hindi natuloy ang masamang binabalak ng kanya tiyuhin.

Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang binalak nitong si Jimmy na siya ay pagsamantalahan habang natutulog sa ibaba ng bahay nito. Nagulat na lamang na siya nang maramdaman niyang may humahawak sa kanya. Upang hindi matuloy ang masamang balak nagsisigaw si Jhoanna na ikinagising ng kanyang tiyahin hangtgang sila ay magkagulo. Nakiusap ang kanyang Mamay Shirley na huwag nang magreklamo tutal naman daw ay wala namang nangyari sa kanya at isa pa ay magkakamag-anak sila. Malamang na kapag nalaman ito sa kanilang probinsiya ay hindi na makakauwi -ang kanyang tiyuhin kaya ganoon na lamang ang pakiusap ng kanyang tiyahin.

Hindi naman nahirapan ang kanyang tiyahin na kumbinsihin siya kaya kahit sa kanilang barangay ay hindi niya ito nireklamo pa. Pinangakuan naman siya na kapalit nito ay ililipat siya ng matitirahan niya. Hindi naman nagtanim ng anumang galit si Jhoanna sa kanyang tiyahin. Nanatili pa rin ang magandang nilang samahan sa kabila nang nangyari ang insidenteng iyon.

Taong 2002 naman nang makilala ni Jhoanna ang kanyang napangasawa, si Jun. March 3, 2004 nang isilang nila ang kanilang panganay na anak na itago na lamang natin sa pangalang Charming. ÿ Dahil nga sa walang anak ang kanyang Mamay Shirley, madalas nitong hiramin ang kanyang anak. Hindi naman niya ito ipinagkait lalo pa nang masundan ito. Nang manganak si Jhoanna sa pangalawang anak nila, mas lalong nalapit si Charming sa kanyang tiyahin.

"Sinabihan pa nga niya ako na sa kanila na nga lang daw ang anak ko pero siyempre hindi naman ako pumayag na basta na lang ibigay ang anak. Sapat nang hiramin nila yun," sabi ni Jhoanna.

Naawa rin naman si Jhoanna sa kanyang tiyahin dahil wala itong anak kaya naman hindi niya ipinagdadamot ang anak kung gusto niya itong makasama. Sa umaga na kay Jhoanna si Charming pero pagsapit ng gabi sa kanyang tiyahin na ito at doon natutulog.

Ika-18 ng Mayo 2006 nang mapansin ni Jhoanna na namumula at parang namamaga ang ari ng anak. Subalit inisip lamang niya na baka nakagat lang ito ng langgam. Ika-2 ng Hunyo ng umaga nang magpunta si Jhoanna sa bahay ng kanyang tiyahin. Napansin niyang tanggal ang dikit ng kanang bahagi ng diaper ng anak kaya tinanong niya ang kanyang tiyahin kung bakit subalit wala naman itong isinagot sa kanya.

Habang hinuhugasan ni Jhoanna ang ari ng anak, bigla na lang umaray ang kanyang anak. Nang tingnan nito ang ari ay napansin niyang namumula ito at parang punit na ito kaya naman nagpasya siyang dalhin ito sa isang clinic na malapit sa kanila upang makasiguro.

Ayaw isipin ni Jhoanna na pinakikialaman ang kanyang anak o napagsasamantalahan ito. Pagdating nila sa clinic ay pinayuhan siya na mas mabuting sa isang government hospital na nila ito dalhin na bagay na sinunod naman niya.

Dinala niya ito sa East Avenue Medical Center pero sinabihan din na dalhin na ito sa Crime Laboratory ng Camp Crame. Agad namang tinawagan ni Jhoanna ang asawa mula sa pinagtatrabahuhan nito. Lumabas n aman sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Raymond Cabling na positibong inabuso ang biktima.

"Tinanong ko ang anak ko kung sino ang lumikot ng ari niya. Sinabi niyang ang lolo daw niya. Ang tiyuhin ko lang ang tinatawag niyang lolo sa lugar namin kaya siya lang ang maaaring gumawa noon dahil madalas na nasa bahay nila ang anak ko," pahayag Jhoanna.

Nakiusap ang tiyahin ni Jhoanna na huwag na lamang ituloy ang kaso laban sa suspek subalit hindi niya ito pinakinggan. Nagsampa ng kasong Rape in relation to RA 7610 si Jhoanna laban kay Jimmy. Dinakip ito ng mga pulis subalit makaraan ang ilang linggo ay nakalaya ito matapos itong makapagpiyansa.

Dismayado naman ang pamilya dahil sa napagbigyan ng pansamantalang kalayaan ang suspek. Nagkaroon ng preliminary investigation at mariing tinanggi ng suspek ang akusasyon laban sa kanya subalit gayunpaman pumabor naman ang resolution sa biktima. Hangad nilang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Charming. Umaasa sila mapapatawan ng karampatang parusa ang suspek sa ginawa nito.

Para sa balanseng pamamahayag bukas ang aming tanggapan kay Jimmy Velasco na siyang inaakusahan sa kasong ito.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

E-mail address: tocal13@yahoo.com

ANAK JHOANNA KANYANG MAMAY SHIRLEY NAMAN NIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with