Mga dapat gawin kung may nalulunod
April 8, 2007 | 12:00am
MALIGAYANG Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat!
Sigurado ako na maraming tao ang nasa beach o mga swimming pool sa araw na ito at sa mga susunod pang mga linggo. Mainit ang panahon kaya naman ang hanap nila ay isang perpektong lugar kung saan malulunasan ang nadaramang alinsangan. At ang lugar na ito ay walang iba kundi ang mga beach resort o mga swimming pool.
At mayroon akong payo para sa mga nagsu-swimming lalo pa at kasama nila ang mga maliliit na anak. Mag-ingat at baka malunod. Ito ang karaniwang nangyayari kapag nasa isang resort o swimming pool. Sa halip na mag-enjoy ay trahedya pala ang kahaharapin.
Paano ba ang mga gagawin kapag may nalulunod?
Sa unang tingin, mahirap marecognize kung ang isang tao ay nalulunod. Ito ay sapagkat hindi makasi- gaw ang taong nalulunod, wala na siyang lakas. Hindi na rin siya makahinga. Sa pagpipilit niyang makahinga, makakalulon siya ng tubig at iyon ang lalo pang magdudulot para lalo siyang malunod. Hindi na siya makagagalaw hanggang sa lamunin ng tubig. Kaya ang unang dapat pansinin sa isang pinaghihinalaang nalulunod ay ang galaw ng kanyang mga kamay na humihingi ng saklolo.
Sa pagsagip sa nalulunod, huwag ipagsapalaran ang sariling kaligtasan. Gumamit ng lubid o mahabang kahoy na maaaaring hawakan nang nalulunod. Huwag lalangoy para sagipin lalo na’t malalim o malakas ang agos. Maaaring kayo rin ay malunod.
Nararapat na mayroon kayong floating object gaya ng board o lifebelt kung tatangkaing iligtas ang biktima. Kung tinangkang iligtas ang biktima at wala kang gamit, maaaring hawakan ka ng biktima at mahihirapan kang makalutang at maaaring pareho kayong lumubog at malunod.
Kapag naiahon na ang biktima, ihiga siya na medyo mababa ang posisyon ng ulo para umagos ang nainom na tubig. Tingnan kung may mga nakabara sa daanan ng hangin. Kung may carotid pulse pa at nahihirapang huminga, simulan ang mouth-to-mouth resuscitation. Kung wala pa ring carotid pulse at hindi pa rin humihinga, tumawag ng ambulansiya at haya-ang ang mga doctor ang magsagawa ng cardiopulmonary resuscita-tion.
Paalala kong muli sa mga magbe-beach, mag-ingat sa pagkalunod. Sa mga magulang, laging tingnan ang inyong mga anak.
Binabati ko sina Jarod at Liza de la Cruz Taylor ng Los Angeles, California sa pagkakasilang ng kanilang unang baby na si Ken nedy Pilar Taylor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended