^

PSN Opinyon

Cha-cha ba o eleksyon?

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN – Mayroon din namang mga Pilipino rito na matamang sumusubaybay sa mga political development sa Pilipinas.

Karaniwang tanong nila sa akin ay kung bakit napakagulo ng takbo ng politika sa Pilipinas. Wala na raw ginawa ang mga sinasabing "political leader" ng bansa kundi magbalitaktakan sa mga isyu na hindi naman nakatutulong sa pagsusulong ng bansa.

Tanong nila sa akin: "Tuloy ba ang May elections?" Sa tingin nila, ang pagtatalo sa paraan kung paano babaguhin ang Konstitusyon at ang nalalapit na eleksyon ay "water and oil" na hindi puwedeng magsanib.

Iginigiit ng ilang Senador kabilang si Sen. Dick Gordon at ng iba pang oposisyunista na mag-eleksyon muna bago isulong ang Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con Ass).

Pero ayon naman kay House Speaker Joe de Venecia, imposible ang ConAss matapos ang eleksyon. May katuwiran nga yata ang mama. Mantakin mo nga naman na ang bawat maluluklok na Senador sa May elections ay gagastos ng katakut-takot na milyones. Kauupo pa lang, hihirit na ang ConAss na ang layunin ay buwagin ang Senado at bigyang daan ang isang unicameral na parliamento.

Ang sabi ni Gordon, payag siyang makilahok sa ConAss kung isusulong muna ang midterm elections. Siya payag. Eh yung iba? Kaya wala yatang katapusang balitaktakan iyan. What do we expect for 2007? Aariba tiyak ang mga political grandstanding at ang mga mahahalagang gawain ng gobyerno ay maiisantabi na naman. Kawawang Pilipinas!

Email me at [email protected].

vuukle comment

AARIBA

CHARTER CHANGE

CON ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

DICK GORDON

HOUSE SPEAKER JOE

KAWAWANG PILIPINAS

PILIPINAS

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with