^

PSN Opinyon

Kawawang General Gualberto

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAYARI si dating PNP CIDG Director Nestorio Gualberto sa lifestyle check sa tanggapan ng ambusan este mali Ombudsman pala dahil sa non—declaration of asset and liabilities. Ika nga, nagsinungaling.

May mga ari-arian daw si Gualberto, ngayon ay Customs Police Chief, sa Bgy. Nonong Castro, Lemery, Batangas.

May 1997 model na Mitsubishi Pajero si Gualberto na kanyang ginagamit pero nakapangalan daw ito sa isang Edgardo Gualberto na binili ng cash.

Nabuko rin ng tanggapan ng Ombudsman na kahit alaws hotraba ay nagmamay-ari umano ang kanyang mga anak ng real states sa nasabing lugar.

Gusto mangyari ng Ombudsman na isailalim ang magiting na retired general sa six months preventive suspension without pay hangga’t iniimbestigahan pa ang kanyang case.

Sangkaterbang kaso ang isinampa ni Atty. Maria Olivia Elena Roxas, Officer 2 sa Field Investigation Office ng Ombudsman. Ito ay grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service et cetera.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit si General Gualberto lang ang tinuluyang kasuhan ng Ombudsman. Asan ang isang Ely na Customs police?

Kasama ito noong unang imbestigasyon pero bakit mukhang nabura siya sa listahan. Ano ang dahilan?

Answer, may bugok na pulitiko raw ang nakialam. Bakit ?

Iyan ang dapat kalkalin ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ito raw si Ely ay sanggang dikit ng isang bugok na pulitiko. Sabi nga, ex—bodyguard.

"Bakit dehins nakasama si Ely sa investigation?" tanong ng kuwagong abogado.

"Mas rich si Ely kaysa kay Gualberto kung talagang hihimayin nang husto ang ari-arian nito ng Office of the ambusan esta mali Ombudsman pala," sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Mukhang may palakasan sa Ombudsman?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Baka naman alaws evidence si Ely kaya na clear sa OMB?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan ang dehins ko alam, kamote pero bubusisiin natin ito ng todo." Abangan!

vuukle comment

BAKIT

CUSTOMS POLICE CHIEF

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

EDGARDO GUALBERTO

FIELD INVESTIGATION OFFICE

GENERAL GUALBERTO

GUALBERTO

IYAN

MARIA OLIVIA ELENA ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with