^

PSN Opinyon

‘Megamutan’ sa gitna nang malakas na ulan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI naging hadlang ang malakas na ulan sanhi ng bagyong Florita nang magsagawa ng isang malawakang medical mission ang Damayan Foundation bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo ng pahayagang Pilipino Star NGAYON at The Philippine STAR na ginanap sa parking lot ng Star Group of Publication sa Port Area, Manila. The show must go on ika nga mga suki!

Mahigit 2,000 pasyente ang nabiyayaan ng libreng gamutan, dental, mga gamot at vitamins sa mga mahihirap na mga mamamayan sa mga kalapit na barangay ng Port Area, Manila. At maging ang 400 newsboys ay nabiyayaan din ng naturang proyekto.

Alas-8 ng umaga nang simulan ang "Megamutan". Nang sandaling iyon ay malakas ang ulan dahil sa bagyo, ngunit hindi alintana ng mga pasyente ang ulan kung kaya’t maging ang lobby ng aming kompanya ay nagamit na silungan ng mga tao at pilahan upang makakuha ng numero para sa kanilang konsultasyon.

Ang mga matiyagang mga doctor na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo ay nagmula pa sa St. Lukes Medical Center, Infant Jesus Hospital, AMOSUP Seamens Hospital, Cardinal Santos Medical Center, Malacañang Clinic, Ospital ng Makati at EGM Dental Clinic na pawang bihasa sa larangan ng medisina.

Ang buong grupo naman ng Damayan Foundation ay tulong-tulong sa pag-asikaso sa mga pasyente at maging sa pagbibigay ng mga gamot na inireseta ng mga doctor kung kaya’t naging mabilis at matiwasay ang daloy ng pila. Nagtulong-tulong din ang grupo sa pagluluto ng sopas at paghahanda ng fruit juice na ipinamamahagi sa mga kabataan at maging sa mga matatanda na nakapila sa registration kung kaya’t ang lahat ay busog na busog.

Para sa kaalaman nyo mga suki, ang naturang medical mission ay bahagi lamang ng programang sinimulan noon pa ni yumaong Betty Go Belmonte, ang tinaguriang Ina ng mga pahayagang The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON at PM PangMasa na sa kasalukuyan ay higit na pinalawak ng kanyang anak na si Miguel Go Belmonte, ang over all chairman ng Damayan Foundation.

(May karugtong pa sa Biyernes)

vuukle comment

BETTY GO BELMONTE

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

DAMAYAN FOUNDATION

DENTAL CLINIC

INFANT JESUS HOSPITAL

MIGUEL GO BELMONTE

PILIPINO STAR

PORT AREA

SEAMENS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with