^

PSN Opinyon

Pagbibilang ng mga pagpapala

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
DAHIL sa modernong pamumuhay ngayon, maraming tao ang laging abala at punumpuno nang maraming isipin. Ang resulta? Pagkabalisa, di-pagkatulog, stress, pananakit ng ulo at katawan, pagkabugnot at pagiging irritable.

Dahil dito, ipinapayo ng mga manggagamot na mag-relax, magpahinga, uminom nang maraming tubig, mag-ehersisyo at tumawa para maibsan ang mga alalahanin.

Ang isang mabisang paraan ng pagre-relax at pagpapatulog sa sarili ay hindi ang pagbibilang ng mga tupa kundi ang pagbibilang ng mga biyayang natamo mula sa Panginoon —– ito ma’y maliit o malaki.

Sa ika-22 anibersaryo ng samahan naming AKKAPKA-CANV – ganoon ang aming ginawa. Nagbilang kami ng aming mga natanggap na pagpapala, bilang isang indibidwal, bilang isang pamilya, bilang isang komunidad, bilang isang samahan sa loob ng 22 taon. At totoo nga, sobrang dami! At sa ganoon ay marapat lamang na laging magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga biyaya at pagpapalang natamo at matatamo pa. Sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa atin, sa pamamagitan ng kalikasan at kapaligiran, sa pamamagitan ng espiritwal na kagaanan ng kalooban, sa pamamagitan ng mga tawanan, ngiti at batian.

Hindi ko maisusulat ang lahat-lahat ng mga pagpapala dahil sa kakulangan ng espasyo. Ang idaragdag ko lamang ay isang espesyal na pasasalamat sa Panginoon sa mabuting kalooban nina G. N. Donato at Bb. Alice Quilitis at mga kawani ng Luisa Ridge sa Pansol, Laguna sa pagpapagamit nila sa amin ng kanilang lugar, at kay Gng. Rita L. at kanyang mga alalay sa pag-aasikaso sa aming pagkain.

Papuri sa Panginoon sa lahat ng mga pagpapala!

vuukle comment

ALICE QUILITIS

DAHIL

DONATO

GNG

ISANG

LUISA RIDGE

NAGBILANG

PANGINOON

RITA L

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with