Mga haligi ng tahanan
June 18, 2006 | 12:00am
Ngayoy kaarawan ng lahat ng ama
Kaya ang parangal kanila na muna;
Kahit ang ama ko ay di ko nakita
Kanyang kabutihan laging alaala!
At sino ang anak na hindi gagalang
Sa maraming ama sa sandaigdigan?
Sila ang haligi ng mga tahanan
Silay halimbawa at laging patnubay!
Silay mga amang kung wala ang ina
Ay silbing ina rin sa anak na sinta;
Lagi nang karamay sa ligayat dusa
Nitong mga anak kahit ilan sila!
Mayrong mga amang maagang nabyudo
Sa mga problemay nag-aasikaso;
Kung ang mga anak ay lulong sa bisyo
Amay nagsisikap silay mapanuto!
At may mga amang ang inaambisyon
Ay magandang bukas ng anak na maton;
Anak na naligaw sa pinaparoon
Pagtuwid ng landas ama ang katulong!
Kung minsay may amang iba ang nilandas
Kaya itinakwil ng buong mag-anak;
Ang amang ganitoy kinilalang hudas
Kaya di sinundan ng mabuting anak!
Dahil sa masama ginawi ng ama
Mga anak niyay nag-iba ng linya;
Naging matagumpay mga anak niya
Ang buhay ng amay challenge sa kanila!
Mabutit masama ang ama ng tao
Silay dapat lamang dakilain ninyo;
Ama ng daigdig ay Dakilang Kristo
Ama ay nilikha na kahawig Nito!
Kaya ang parangal kanila na muna;
Kahit ang ama ko ay di ko nakita
Kanyang kabutihan laging alaala!
At sino ang anak na hindi gagalang
Sa maraming ama sa sandaigdigan?
Sila ang haligi ng mga tahanan
Silay halimbawa at laging patnubay!
Silay mga amang kung wala ang ina
Ay silbing ina rin sa anak na sinta;
Lagi nang karamay sa ligayat dusa
Nitong mga anak kahit ilan sila!
Mayrong mga amang maagang nabyudo
Sa mga problemay nag-aasikaso;
Kung ang mga anak ay lulong sa bisyo
Amay nagsisikap silay mapanuto!
At may mga amang ang inaambisyon
Ay magandang bukas ng anak na maton;
Anak na naligaw sa pinaparoon
Pagtuwid ng landas ama ang katulong!
Kung minsay may amang iba ang nilandas
Kaya itinakwil ng buong mag-anak;
Ang amang ganitoy kinilalang hudas
Kaya di sinundan ng mabuting anak!
Dahil sa masama ginawi ng ama
Mga anak niyay nag-iba ng linya;
Naging matagumpay mga anak niya
Ang buhay ng amay challenge sa kanila!
Mabutit masama ang ama ng tao
Silay dapat lamang dakilain ninyo;
Ama ng daigdig ay Dakilang Kristo
Ama ay nilikha na kahawig Nito!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
















