Bagsik ng rabies
May 14, 2006 | 12:00am
Dahil sa kagat sa leeg, nalagutan ng ugat ang bata at naubusan ng dugo. Hindi na siya naisalba ng mga doktor dahil sa malubhang kagat ng aso.
Bagamat karaniwan na may mga nakakagat ng aso, ang pangyayari sa Calumpit ay malagim sapagkat nagbunga agad ng dagliang kamatayan. Karaniwang nang kapag nakagat ng aso, ang unang naisasaisip ay ang rabies na maaaring maging dahilan nang unti-unting kamatayan.
Dapat namang maintindihan ng mga mambabasa na hindi lamang aso ang pinanggagalingan ng rabies. May rabies din ang pusa, daga at ang paniki. Kaya hindi lamang sa aso dapat mag-ingat kundi pati na rin sa mga nabanggit na hayop.
Ang rabies ay viral infection kung saan ang utak ang pinupuntirya at nagiging dahilan para magkaroon ito ng irritation at pamamaga. Hindi lamang utak ang napipinsala ng rabies kundi pati na rin ang spinal cord.
Ang virus ay makikita sa laway ng aso at iba pang hayop at naililipat sa pamamagitan ng pagkagat o kayay paghimod. Kaya nararapat na maging maingat kung kayo ay nagpapahimod sa inyong alaga lalo nga sa aso o pusa.
Naglalakbay ang rabies mula sa bahaging nakagat sa pamamagitan ng ugat at nagtutungo sa spinal cord paakyat naman sa ulo na kinaroroonan ng utak. Kapag nakarating sa utak, doon ito magmu-multiply at saka magma-migrate sa salivary glands.
Kapag nakagat ng aso, kadalasang 10 araw o inaabot ng hanggang isang taon ang incubation period. Mas mabilis naman ang incubation kung ang biktima ay nakagat sa ulo o leeg sapagkat maikling panahon ang lalakbayin ng rabies.
Ang sintomas na mayroong rabies ang biktima ay lumalabas makaraan ang 20 hanggang 30 araw makaraang maitransmit ang virus. Kapag nakagat ng asong may rabies sa ibabang bahagi ng katawan, makadarama ng paralysis hanggang sa kumalat na ito sa buong katawan.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended














