Chop-chop victim...
April 24, 2006 | 12:00am
KARUMAL-DUMAL ANG SINAPIT ng biktima matapos ichop-chop ang katawan nito at itapon sa ibat ibang lugar ang istoryang ilahahad sa inyo.
Nagsadya sa aming tanggapan si Carmelita Mendoza, 42 taong gulang ng Meycauayan, Bulacan upang humingi ng tulong hinggil sa brutal na pagkamatay ng kanyang anak.
Si Michael Mendoza, 19 taong gulang ng Muñoz Market, Quezon City ay walang awang pinagpuputol ang katawan nito at magkakahiwalay na tinapon sa ibat ibang lugar.
Ika-25 ng Setyembre 2005 nang magdiwang si Michael ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagkaroon ng kaguluhan nang may ginulpi si Chito Tenorio na umanoy isang dating sundalo. Isang Ferdinand Lacsamana ang nabanggit na ginulpi nitong si Chito.
"Si Ferdinand ay matalik na kaibigan ng anak ko. Nagbanta pa raw umano si Chito na uubusin nito ang lahi ng Lacsamana. Maraming nakakita nang gulpihin niya ito kaya naman kinausap ni Lita, ina ni Ferdinand kung ano ang naging kasalanan ng anak niya dito," salaysay ni Carmelita.
Samantala matapos ang insidenteng iyon binalewala na lamang ni Lita ang nangyari dahil alam umano nitong malakas sa ilang opisyal si Chito.
Ika-19 ng Oktubre 2005 sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-6 ng umaga nang bigla na lamang dinampot ng apat na pulis ang biktimang si Michael sa paradahan ng tricycle sa may Muñoz Market. Sina Nono Lopez, alyas Noli at alyas Jude ang nakakita nang damputin si Michael.
"Nakasakay siya sa likod ng tricycle ni Nono nang lapitan daw ito ni SPO4 Mario Peralta ang mga kasama nito. Sinabihan daw nito si Nono na huwag makielam dahil mga pulis nga sila," kuwento ni Carmelita.
Pagkatapos ay pinosasan na si Michael ng mga ito at inilagay sa gilid ng bahay nina Chito. Sa pagitan naman ng alas-7 hanggang alas-8 nang ipasok na sa loob ng bahay ni Chito ang biktima. Ayon pa sa ina ni Michael, pinahirapan ng husto ang kanyang anak.
"Pinagsamantalahan pa nga raw ng isang baklang nakatira sa bahay nina Chito si Michael. Pagkalipas ng tatlong araw, ika-21 ng Oktubre nang ilabas ang anak ko sa bahay. May nakakita matanda na inilalabas si Michael. Sinabi rin ng mga kaibigan ng anak ko na tumagal ng tatlong araw ito at hindi sila tumitigil sa pagmamatyag dito," sabi ni Carmelita.
Ika-22 ng Oktubre, bandang alas-3 ng madaling araw isang basurero ang nakaita ng isang pugot na ulo sa Piñahan Road. Nakalagay ito sa isang plastic. Nagulat umano ang basurero matapos itong makita. Dakong alas-4 ng madaling araw naman nang matagpuan ang katawan sa may Kaingin, Balintawak.
"Alas-6 naman ng umaga, isang hita ang natagpuan sa likod ng Muñoz Market sa Proj. 7. Isang babae ang nakakitang may nagbaba mula sa owner ng isang plastic garbage black bag at alas-9 ng umaga ay kaliwang binti naman ang natagpuan," sabi ni Carmelita.
Isang tawag sa telepono ang natanggap ni Mary Jane, kapatid ni Michael ang nagsabi dito na may pinagkakaguluhang pugot na ulo. Dahil nawawala ang kapatid, ninais nitong makita ang pugot na ulo kaya naman agad niyang pinuntahan ito.
"Sinabi naman sa kanya na nasa Prudential Funenaria sa Maceda, España at doon nalaman ni Mary Jane na ulo ito ni Michael. Ika-25 ng Oktubre nang matagpuan naman ang kanang kamay ng anak ko sa East Riverside sa Frisco subalit ang kaliwang kamay nito ay hindi pa rin natatagpuan," salaysay ni Carmelita.
Samantala isang nagngangalang Noel ang umanoy asset ng mga pulis at kasama sa pagtapon ng katawan ng biktima ang nakapagsabi patungkol sa pagkakachop-chop kay Michael. Naikuwento nito sa isang kaibigan hanggang sa ikuwento ito sa kaibigan ni Michael na si Nono. Sinasabi ring sa basement ng Baler Police Station naganap ang pagchacho-chop sa katawan ng biktima.
"Isang Abdul ang umanoy inutusan ng mga pulis para katayin na parang baboy ang katawan ni Michael. Ito rin daw ang taga-welcome sa mga unang pasok sa bilangguan at nakulong dahil sa drugs," pahayag ni Carmelita.
Ika-2 ng Nobyembre nang magpunta si Carmelita sa Baler Police Station para mag-ocular inspection. Isang maong short na may tatak na Dickies at isang kitchen knife na nakabalot sa damit ang natagpuan sa ilalim ng nasabing police station.
"Nag-iiyak ako nang makita ko ang shorts ng anak ko at may bahid pa nga ito ng dugo. Sigurado akong pag-aari niya yon dahil ako ang bumili noon para sa kanya. Inaagaw sa akin ng isang pulis Baler ang shorts pero talagang hindi ko binitawan," kuwento ni Carmelita.
Hangad ni Carmelita na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa anak. Umaasa siyang pagbabayaran ng suspek ang ginawa nito sa kanyang anak.
Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended