^

PSN Opinyon

Korni pero pumatok

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI ang nagtatanong sa akin kung kailan babalik ang Wowowee ng ABS-CBN. Karamihan sa mga nagtatanong ay mga TFC subscribers o mga kababayang nasa ibang bansa. Nami-miss na raw nila ang programang ito na nakagawian na nilang subaybayan sapagkat naaaliw sila.

Hindi ko naman alam kung paano pumatok ang Wowowee samantalang napaka-korni naman ng mga jokes at ang mga contestants ay magulo at maingay na para bagang nasa palengke. Ang mga contestants sa programa ay mga naka-tsinelas, nakasando, naka-shorts, butas-butas at sira-sira ang mga damit.

Masang-masa kasi ang dating. Ito ang dahilan kung bakit pinipilahan at sinusubaybayan ang Wowowee. Alam n’yo ba na kasama na sa travel itinerary ng mga balikbayang Pinoys ang panunood ng Wowowee sa ABS-CBN studios. Alam n’yo rin ba na ang iba pa ay pumupunta lamang sa Pilipinas upang mapanood ng personal ang Wowowee.

Ayon sa mga psychologists, sumikat ang Wowowee sapagkat sa hirap ng pamumuhay sa Pilipinas, nagbigay ito ng pagkakataon sa mga kapus-palad na makasali sa mga contest upang manalo ng pera at ganoon din nang malalaking premyo gaya ng P1 milyon, jeepney at house and lot.

Umuulan ng pera sa Wowowee sapagkat namimigay din ng mga perang donations ang mga nanunood na TFC subscribers.

Naging popular din ang Wowowee sa mga Pinoys sa ibang bansa sapagkat parang hindi raw sila umalis ng Pilipinas. Ang Wowowee ang nangunguna sa mga programa ng The Filipino Channel na nag-uugnay sa kanila sa Pilipinas. Nagdo-donate sila ng pera upang kahit na papaano ay makatulong na maibsan ang paghihirap ng kanilang mga kababayan. Sabi nga nila, thru TFC, nag-eenjoy na sila, nakakatulong pa.

ALAM

ANG WOWOWEE

AYON

FILIPINO CHANNEL

KARAMIHAN

PILIPINAS

PINOYS

WOWOWEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with