^

PSN Opinyon

Tumalbog na tseke

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
GUMAGAMIT si Jimmy ng Equitable Card Network Inc. (ECN) na may credit line na P499,000.00. Sa simula, maganda ang record ni Jimmy subalit nasira ito nang umabot na sa P1,035,590.28 ang naging utang niya sa ECN. Pinagbabayad na siya ng ECN subalit iginiit niyang may pagkakamali sa naging kuwenta ng kanyang utang kaya hindi ito dapat umabot sa malaking halaga. Sinubukan ni Jimmy na pumasok sa isang kasunduan sa ECN kung saan nag-isyu siya ng tatlong tseke pabor sa ECN. Ang unang tsekeng inisyu ni Jimmy ay Far East Bank (FEBTC) Check No. 369380 na may petsang January 15, 1993 sa halagang P296, 736.27. Ilang beses nag-usap ang mga partido subalit sa huli ay hindi rin pumayag ang ECN sa mungkahi ni Jimmy.

Samantala, nang ipinakita ng ECN ang tseke sa FEBTC noong May 17, 1993, tumalbog ito sa dahilang "Account Closed." Pinadalhan ng ECN si Jimmy ng notice of dishonor at hiniling na palitan ito ng pera o kaya ay makipag-ayos ito. Nang walang ginawa si Jimmy tungkol dito, sinampahan siya ng ECN sa Municipal Trial Court (MTC) ng kasong paglabag sa Bouncing Checks Law (BP22). Matapos ang paglilitis, nahatulan ng MTC si Jimmy na anim na buwang pagkakakulong at naatasan ding bayaran ang ECN ng P296,736.27. Tama ba ang hatol ng MTC?

MALI.
Ang tseke na may petsang January 15, 1993 ay pinapalitan lamang sa banko noong May 17, 1993 kung saan ito ay tumalbog o lampas ng 90 araw mula nang inisyu ang tseke. Dahil dito, hindi maipapalagay na alam ni Jimmy na walang pondo ang tseke nang inisyu niya ito. Wala ring ipinakitang ebidensyang ang naghahabla kaya mali ang naging hatol ng korte. Gayunpaman, kailangan pa ring bayaran ni Jimmy ang ECN ng P296,736.28 bilang halaga ng tseke na kanyang inisyu dahil napatunayan ito sa aspetong sibil na isa ito sa tatlong tseke na kanyang inisyu bilang pag-aayos sa kanyang utang sa ECN ( Dico vs. Court of Appeals, G. R. 141669, February 28, 2005, 452 SCRA 441).

vuukle comment

ACCOUNT CLOSED

BOUNCING CHECKS LAW

CHECK NO

COURT OF APPEALS

ECN

EQUITABLE CARD NETWORK INC

FAR EAST BANK

JIMMY

MUNICIPAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with