^

PSN Opinyon

Pagbabagong-loob ni Pablo

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay ginugunita ang pagbabagong-loob ni Pablo -— mula sa isang nagpapahirap at nagbibigay-pasakit sa mga Judio, tungo sa pagiging isang tagasunod at alagad ni Jesus.

Si Pablo, na ang dating pangalan ay Saulo, ay ipinanganak na isang Judio sa Tarso ng Cilicia, ngunit lumaki sa Jerusalem. Datapwat siya’y naging isang mamamayang Romano rin.

Sa kanyang patotoo, siya’y nagpahirap sa maraming Judio na naging mga tagasunod ni Jesus. At isang araw na patungo siya sa Damascus, biglang kumislap sa kanyang paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit at narinig niya ang isang tinig, "Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig?" Nang tanungin niya ang tinig kung sino iyon, ang sagot ay: "Ako’y si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig." Nakita rin ng kanyang mga kasama ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang tinig. At si Pablo, dahil sa tindi ng liwanag ay nabulag. Ngunit binigyan siya ng atas kung ano ang kanyang gagawin.

Pagkatapos niyang pabautismo kay Ananias, siya’y nakakita muli at naging masugid na tagapaglingkod ni Jesus. At siya nga ay sinugo sa mga Hentil -— sa mga hindi Judio -— upang ipahayag sa kanila ang Mabuting Balita.

Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tumutukoy sa mga gampanin ng mga tagasunod ni Jesus (Mark 16,15-18).

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: Sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay."

vuukle comment

ANG EBANGHELYO

CILICIA

DATAPWAT

HENTIL

ISANG

JUDIO

MABUTING BALITA

SAULO

SI PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with