^

PSN Opinyon

Taon 2006

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ngayon ay isang bagong taong 2006 na
Ito raw ay s’werte ang sabi ng iba;
Ayos ng numero ay waring maganda
Kapag isinulat papasok ang pera!

Sana nga’y ganito maging kapalaran
Ng ating daigdig sa kapayapaan;
Tingnan mo ang sais bilang katunayan
Buntot sa itaas dulo’y bilog naman!

Sa mga magaling manhula’t magsabi
Ang numero sais ay may dalang s’werte;
Kaakibat nito’y gawaing mabuti
Sa masamang bisyo’y di ka magagawi!

Di katulad noong nakaraang taon
Ang huling numero ay hugis patapon;
Masdan mo ang sais pabilog ang puson
Sa numero singko’y kaiba ang misyon!

Sana nga sana nga itong aking haka
Ay hindi magbunga ng masamang nasa;
Isa-puso’t isip ay magandang gawa
Upang ang daigdig maging mapayapa!

At sino ang hindi magnanais ngayon
Ng kapayapaang laging nilalayon?
Kung naging magulo nagdaang panahon
Sa numero 6 — titino ang nasyon!

Ito ang hangaring hindi nawawaglit
Sa maraming pusong tapat kung umibig
Dating kaguluhan ay ating iwaglit
Upang lumigaya ang ating daigdig!

At ang mahalaga ngayong taong ito
Dapat magmahalan ang lahat ng tao;
Kailangan ngayon nitong buong mundo
Dakilang pag-ibig na hasik ni Kristo!

vuukle comment

AYOS

BUNTOT

DAKILANG

DAPAT

ISA

KAAKIBAT

KAILANGAN

SANA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with