^

PSN Opinyon

God works in mysterious ways!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
HABANG sinusulat ko ho ito ay puno ako ng lungkot dahil muli ang mga inaasahan kong magsasalita upang matigil ang mga imoralidad na gawain ng gobyerno at ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ay nananatiling tahimik o umiiwas magbigay ng solusyon sa problema.

Karamihan sa kanila ang kasagutan ay ayaw nilang makisawsaw sa pulitika at ang lahat ng problemang hinaharap ng bansa ngayon ay sanhi lang ng laban sa pulitika.

Bagama’t mataas na mataas ang respeto ko sa mga lider ng iba’t ibang simbahan, mula sa Roman Catholic Church, Iglesia ni Cristo, El Shaddai at iba pang mga relihiyon, aaminin kong sa panahong ito ay dismayado ako sa kanilang patuloy na pagbingi-bingihan sa suliraning kinakaharap ng bansa.

Patuloy ang paghihintay ng ating mga kababayan at mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon sa kani-kanilang lider ukol sa paninindigan nila sa isyu ng pandaraya, pagnanakaw at pagsisinungaling ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Nakakabinging katahimikan ho ang kasagutan ng mga lider simbahan, mga spiritual leaders na, mga moral tutors natin. Bakit? Bakit? Bakit?

Totoo, ilan sa mga lider na yan ay nanawagan na kailangan daw malaman ang katotohanan at kailangan daw sagutin ni Madam Senyora Donya Gloria ang mga tanong na yan.

Pero hanggang doon na lang ang panawagan nila. Nang tuluyang patayin ni Madam Senyora Donya Gloria ang paraan na alamin ng sambayanan ang katotohanan ay panibagong katahimikan ang sinagot ng mga lider ng iba’t ibang simbahan.

Katahimikan din ang sagot nila ng ipairal ang Executive Order 464 at calibrated preemptive response (CPR) na paraan din upang busalan ang sinumang maaaring magsalita o maglahad ng katotohanan.

Pero muli, katahimikan ang naging tugon o itong panawagan na kailangan tapusin na ang walang habas na pamumulitika at magsakripisyo ang mga lider ng bansa mula sa administrasyon at sa oposisyon.

Ginamit ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ang panawagang ito at nagyaya pang magkaroon ng gobyernong hatian daw. Ano ito? Hatian, parang mga jolens o laruan. Ganoon na lang ba ang tingin nila sa bayan.

Dahil din sa patuloy na pagbulag-bulagan ng mga lider simbahan (halos lahat na) walang humpay naman ang administrasyon na pigilan ang anumang uri ng pagsisiwalat sa mga katiwalian.

Nitong nakaraang ilang araw, pagkatapos magtagumpay na panatilihing tahimik ang mga simbahan ay media naman ang pinagdidiskitahan. Sa inyo mga kaparian, Ministro, Pastor, Brother o anuman ang iba pang tawag, hindi ba obvious hanggang ngayon ang nangyayari.

Anyway, binaluktot pa ng mga kakampi, kampon, kaalyado at kasamahan ng Malacañang ang isyu at yan ay PULITIKA LANG ANG LAHAT NG ITO.

Yan din ang dahilan kasing pinapakita ng lider ng iba’t ibang simbahan sa ating bansa sa pagbibigay katuwiran sa kanilang pagsasawalang bahala. PULITIKA LANG ANG LAHAT NG ITO.

Tanong ko lang ho sa kanila, ang pagnanakaw ba, pagsisinungaling at pandaraya ba ay hindi isyung immoral.

Hindi ba mas nauna ang isyung immoral diyan dahil bata pa lang tayo, wala pa tayong kamuwang-muwang sa pulitika ay tinuturo na sa atin na masama ang magnakaw, magsinungaling at mandaya.

Father, Minister, Pastor o Brother, tulungan n’yo nga kaming malinawan ang mga yan at sagutin ninyo ang isyung ito. Moral at tama na ba ngayon ang pagnanakaw, pagsisinungaling at pandaraya kung gagamitin sa larangan ng pulitika?

Moral na ba kung magnakaw, magsinungaling at mandaya dahil sa pulitika gagamitin at kailangang makamtan ang pagkapanalo sa pulitika?

Mga kaibigan, kababayan at kasamahan, lubos hong nakakalungkot pero kahit ang mga lider spiritual natin ay ayaw direktang sumagot sa ating katanungan. Lahat sila, o shall I say halos lahat sila ay nagmistulang bulag, pipi ang bingi.

Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumarami ang taong nagsisimba, sumasamba, nagdarasal, nananalangin at patuloy na naniniwala at nagmamahal sa Panginoon pero hindi na sumasabay sa mga ginagawa ng kani-kanilang simbahan.

Nakakalungkot pero mukhang mas tama ang ginagawa nila dahil napatunayan sa lahat ng ito na ang ating mga spiritual leaders ay tao lamang na madali ring maimpluwensiya (ayaw ko hong sabihin nabili o napressure) ng mga taong masasama at nasa poder.

Pero bagama’t nakakalungkot, huwag ho tayong mawawalan ng panalig sa Panginoon dahil tandaan natin ang kasabihan na GOD WORKS IN MYSTERIOUS WAYS. May dahilan at malay natin sinusubukan lang tayong lahat.

Mas taimtim na panalangin at pananampalataya ang paraan upang labanan ang anumang uri ng kasamaan.
* * *
Mga kababayan, kaibigan at sa inyong lahat na makakabasa nito. Tanungin ho natin ang ating mga spiritual leaders sa isyung ating nilabas. Sana matulungan n’yo rin ang inyong lingkod na malinawan. Text ho kayo o e-mail ng kasagutan.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

BAKIT

LAHAT

LANG

LIDER

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

PERO

PULITIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with