^

PSN Opinyon

Senior citizens napapabayaan

SAPOL - Jarius Bondoc -
NU’NG Enero napabalita sa Barangay Kalumpang na nagbigay pala ng P1 milyon ang Malacañang sa Marikina chapter ng Senior Citizen Association of the Philippines. Setyembre 2002 pa raw ang ambag, pero nagtataka ang senior citizens ng Kalumpang kung ano ang nangyari sa pondo. Inusisa nila si chapter president Jose Andres, ama ng vice mayor. Ang tugon ay nasa banko ang pera, pero walang pinakitang financial statement.

Nang wala pa rin programa ang siyudad para sa kanila, lumiham ang matatanda kay Konsehal Ferdie Marco, chairman ng komite ng senior citizens affairs. Ang tugon ni Marco ay pagkagulat na may gan’un palang pondo, at hiningan pa sila ng detalye kung saan ito galing at napunta. Ang konseho ay nasa ilalim ng vice mayor na anak ni Andres.

Matapos ang ilang pang follow-up letters sa kinauukulan at wala ring malinaw na sagot, nagpasya ang senior citizens na dumulog sa press. Isa lang ito sa maraming angal ng mga lolo’t lola na inilalapit sa akin mula iba’t ibang lugar. Natutuyuan na sila ng dugo sa kapabayaan, hindi lang ng kanilang munisipyo kundi pati ng pambansang pamahalaan.

Nariyan, halimbawa, ang pagretiro ni GSIS executive VP Reynaldo Palmiery, sa P25 milyon-bonus, makalipas ang pitong taong serbisyo. Dati nang nagretiro si Palmiery mula sa SSS, at kumubra na ng retirement pay. Pero kinuha uli siya sa gobyerno sa mas mataas na puwesto at sahod. Sang-ayon sa batas, sinoli niya ang kinubra, at hinintay sa mas malaking makukuha sa pangalawang pagretiro. Legal lahat; humingi pa ng opinion ang GSIS sa Dept. of Justice. Pero masakit pa rin ang dating ng P25-milyon bonanza sa mga karaniwang retirees na tumatanggap ng pensiyong P3,000 lang kada buwan.

Nariyan din ang pagretiro kamakailan ng isang senior VP ng SSS, muli sa milyun-milyong pabuya, miski hindi siya CESO (career executive service officer). Legal din lahat; kinatigan ito ng Civil Service Commission, miski sangkot ang VP sa maraming anomalya mula 1998. Ganunpaman, ngitngit ang karaniwang SSS pensioners, na tig-P3,500 lang ang pabuya.

vuukle comment

ANDRES

BARANGAY KALUMPANG

CIVIL SERVICE COMMISSION

DATI

JOSE ANDRES

KONSEHAL FERDIE MARCO

NARIYAN

PERO

REYNALDO PALMIERY

SENIOR CITIZEN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with