Halamang gamot
April 8, 2005 | 12:00am
MARAMING halaman na bukod sa pagiging masustansiyang pag-kain ay gamit din bilang panlunas sa maraming karamdaman. Isa sa mga tinaguriang healing food ay ang broccoli na mayaman sa Vitamin A. Itoy kabilang din sa fiber food na gamot sa mga my breast cancer at colon cancer. Epektibo rin ang broccoli para sa mga may katarata gayundin sa mga may gastritis at rayuma.
Gaya ng broccoli ang malunggay ay binansagan ding healing food. Gamot ito sa mga nangangati ng balat at mga allergy. Gamot din ang malunggay sa masakit ang ngipit at ulo, ulcer at sa mga nagpapasusong ina ay malaki ang tulong ang malunggay.
Sa mga anemic o iyong mga taong kulang sa dugo ay mainam ang katuray. Gamot din ito sa mga sinisipon at inuubo at gamot sa kabag ng mga bata.
Ang bayabas ay mabisang gamot sa sakit ng tiyan at sa may sugat. Ang dahon ay pinakukuluan at inilalanggas sa sugat.
Ang sambong ay gamot sa lagnat, diarrhea, sakit sa tiyan at kidney problem. Mahusay din itong gamot sa mga inuubo at mga babaing nahihirapan kapag nireregla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest