^

PSN Opinyon

'Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo'

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Jesus ang Katotohanan na magpapalaya sa atin. Inaalis niya ang kawalang-katotohanan at mga kasinungalingang nasa sa atin. Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, binibigyang-liwanag ni Jesus ang ating mga isip. Pinatatatag niya ang ating kalooban.

Sa ating pagninilay sa malaking biyayang ito mula kay Jesus, amin ding ginugunita ang pagkakalunsad ng Ang Pilipino Star Ngayon, ang pahayagan ng masa, noong 1986. Ang ating pahayagan, na ngayo’y mas kilalang PSN o Pilipino Star NGAYON, ay labing-siyam na taong gulang na bukas, Marso 17.

Sa loob ng labing-siyam na taon, ang PSN ay nagpunyagi at pinanatiling makatotohanan ang mga pamamahayag ng mga balita, paglalahad ng mga pangyayari o kaganapan sa ating lipunan at paglilimbag ng mga bagay-bagay na makabuluhan, makatotohanan at kapaki-pakinabang para sa inyo na aming mga mambabasa.

Naalala ko rin nang ang unang publisher nito, si Gng. Betty Go-Belmonte, ay nangarap na balang-araw, ang PSN ay magiging isang tala na gagabay sa mga mamamayang Pilipino upang ang huli’y magsumikap na abutin din ang kanilang mga pangarap at sa gayo’y tunay na maiangat ang dangal ng masang Pilipino. At sa aking palagay, ngayon na nga ang panahong iyon. Ngayon, ang PSN ang numero unong pahayagang Pilipino na tinatangkilik ng mga mambabasa dito sa Pilipinas at ganoon din sa Hong Kong, Saudi Arabia at iba pang bansa. Ang mga pangarap ni Betty ay lubos na nabigyang-katuparan sa pangangasiwa ng PSN ng kanyang butihing anak na si Miguel G. Belmonte, na sa loob na maraming taon ay mahusay na ginampanan ang mga tungkuling iniatang sa kanya. Ganoon din sa mga kasalukuyang bumubuo ng editorial staff, reporters, columnists at nangangasiwa ng administratibong gawain sa PSN.

Higit sa lahat, ginugunita namin at pinasasalamatan KAYO na aming mga mambabasa, mga advertisers, mga nagtitinda ng diyaryo – sa walang-sawang pagtangkilik ninyo sa PSN. Sa pagsulong at pagsuporta ninyo sa PSN, naniniwala kami na tinatangkilik ninyo ang katotohanan at ang pinagmumulan ng KATOTOHANAN, si Jesus.

Maligayang anibersaryo sa lahat! Lumawig pa nawa ang misyon ng PSN para sa higit na kadakilaan ng Diyos!

ANG PILIPINO STAR NGAYON

BELMONTE

BETTY GO-BELMONTE

HONG KONG

MIGUEL G

PILIPINO

PILIPINO STAR

PSN

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with