Keanna Reeves
August 17, 2004 | 12:00am
BIGLANG bumulaga ang pangalang Keanna Reeves. Marami nga ang nag-akala na isa siyang foreigner dahil sa kakaibang pangalan. Napag-alaman na ang pinagkakaabalahan niya ay mag-escort. Ang escort ay bagong termino sa prostitution. Kahalintulad ito ng pokpok. Ang pag-escort ay hindi lamang sa pakikipag-usap at companionship natatapos.
Nainterbyu si Keanna Reeves sa TV program ni Boy Abunda. Inihayag ni Keanna ang kanyang buhay at kung paano siya naging escort. Sinabi ni Keanna na marami siyang naging customers na mga pulitiko. Handa raw siyang pangalanan ang mga ito.
Nagkagulo ang media na naghahanap ng mga sensational news. Siyempre, hindi rin pahuhuli ang mga pulitiko na palampasin ang maibibigay na publisidad para sa kanila ng balita tungkol kay Keanna. May nagpanukala kaagad na dapat imbestigahan ito ng Senado at Kongreso. Mukhang natakot at natauhan si Keanna na baka kung saan humantong ang isyung ito at siya pa ang maging kawawa. Binawi niya ang sinabi. Hindi na niya papangalanan ang mga naging kliyente niyang pulitiko.
Sa mga kongresista at senador mas maraming mahahalagang problema ang bansa na dapat na harapin. Problema ng pulisya ang tungkol sa escort service at ang iba pang lumalabag sa batas. Pabayaan na ninyo si Keanna Reeves. Sikat na siya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended