Walang sagot at total na deadma ang ginawa niya sa akin at sa iba pang mga miyembro ng media na nagtanong kung totoo bang hina-haraas niya ang dating mamamahayag at tauhan niyang si Peter Sing.
Pero mga katoto, huwag kayong magtaka, maganda ang paliwanag ng kumpare kong si Carding na taga-riyan sa palengke ng Balintawak.
Tanong sa akin ni Pareng Carding, mayaman ka ba? Malaki ba ang savings nyo hindi lang sa ibat ibang banko rito kung hindi sa Europa, Hong Kong at iba pang bansa? Angkan ka ba ng Madrigal? Ekta-ektarya ba ang lupain mo? Pinanganak ka ba sa pribadong ospital at inokupa mo ba ang pinakamahal na kuwarto sa naturang ospital? Marami bang mga doktor at mga private nurses ang walang tigil na nag-aalaga sa yo?
Hindi, mabilis kong sagot pero pasok uli si Pareng Carding na sinenyasan akong tumahimik at muling tinanong ng marami ka bang mga yaya na nag-aalaga sa iyo at sumusunod sa lahat ng kagustuhan? Marami ka bang driver o chauffer pala na hinahatid ka kung saan mo gusto magpunta? Meron ka bang garahe na kaya lang punuin ng ilampung magagarang kotse? Marami ka bang mga magagarang kotse?
Wala, sagot ko kay Pareng Carding pero sunud-sunod uli ang tanong niya gaya ng marami ka bang bahay sa ibat ibang lugar ng Pilipinas, Europa at sa ibang parte pa ng mundo? Meron ka bang katakut-takot na bodyguard? Meron ka bang perang pambili ng first class ticket ng eroplano para makapag-biyahe sa kahit saang panig ng mundo? Meron ka bang maraming abogadong kaya mong pasunurin sa lahat ng kagustuhan mo? Meron ka bang mga opisyal ng Korte at pulis na sumisipsip sa yo dahil nabayaran mo?
Wala pa rin, tugon ko kay Pareng Carding na ngayon ay nakangiti na ng makahulugan. "Eh kung ganoon bakit ka niya sasagutin, sino ka ba?" tanong ni Pareng Carding, "baka nakakalimot ka, mataas at mayaman siya samantalang ikaw ay isang ordinaryong mamamayan lang kaya sorry ka na lang, tapos ngayon Senadora pa siya kaya lalo kayong hindi papansinin niyan."
Sabagay sino nga ba ako, pero bakasakali pa rin tayo dahil Senadora na siya at makamasa kuno, kaya sana sagutin naman ni Senadora Jamby kung totoo bang ang mga katulong nila ay dapat laging nakayapak at bawal kahit magtsinelas man lang sa loob ng kanilang mga mansion pero ang aso niya katabi niya pag natutulog sa kanyang malaking silid at naka-aircon pa?
Totoo rin bang ang mga driver at bodyguards niya ay ni hindi man lang mabigyan ng ulam pero ang asong alaga ay gaya niyang mamahaling organic at vegetarian food lang ang maaaring kainin? Sana masagot mo naman kami.
Kung ayaw mo naman talaga, tanungin na lang natin ang sambayanan: Palagay nyo totoo kaya na ganuon kasuwerte ng aso ni Sen. Jamby? Text lang sa 09272654341 para sa inyong kasagutan.
Mapalad nga siya, SO, yan ang magiging reaksyon ng karamihan, lalo na mga empleyado ng naturang ahensiya. After all, alam na naman ng lahat na anak nga siya ng talunang senador, kapatid ng kongresista at gobernador at paborito pa raw ng Malacañang kaya siguro unti-unti na niyang sinusuwag.
Tama kayo riyan, kaso may natuklasan akong suwerte niya. Ano kanyo, tingnan niyo ang sasakyan niya. Isang Toyota Hi-Ace na binili pa ng opisina para sa kanya.
O di ba suwerte siya, pero hindi lang yan, tingnan nyo maigi pag makikita niyo sa kalye ang sasakyang ito. Madali itong makilala dahil ang plaka nito ay 7-V. WOW Philippines nga naman ano.
Si Senator Richard Gordon na dating Tourism Secretary alam natin puwedeng gumamit ng plakang 7, pero si Dean Barbers? Suwerte naman, 7 rin ang plaka. Hindi ba ang numero 7 daw ay suwerte para sa karamihan.
Kala ko ba sa senador lang ang gumagamit niyan. Ang alam ko hindi siya senador at ang senador ay ang ama niya, kaya bawal pa rin siya gumamit ng ganoong plaka. Isa pa, talo na ang ama niya at paniwala nga ng karamihan kasalanan niya dahil sinabi niya nga sa mga taga Tourism hindi nila kailangan ang boto nila.
Isa pa, sasakyan ng PTA yon at hindi ng senado kaya dapat ang plaka niya PULA. Red plate para makita naman ng sambayanan kung ginagamit ba ito kung opisyal lang ang lakad at hindi pag dinadalaw niya ang kanyang paboritong sales representatives na si J. Abangan niyo ang 7-V na yan para susunod kilala nyo na ang nakasakay.
Kaso, bakit kaya mula sa tanggapan ng PTA papuntang Sikatuna ay sa may bandang Fairview pa dumadaan bago umuwi sa Sikatuna. Umiikot yata, siguro dahil kay L naman. Sweet naman at maalalahanin din ano, parang amo niya. Iba talaga. Sabagay Pilipino sa Turismo ay Aktibo. Sobrang aktibo nga lang.
Kayo mga kaibigan, text lang sa 09272654341 tungkol sa mga illegal use ng plakang pang vip at mga government vehicle.