^

PSN Opinyon

Pagpaplano ng pamilya at mga batang mukhang matanda

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAHALAGA ang pagpaplano ng pamilya para sa pagsulong ng isang bansa. Ito ang binibigyan diin ni Senador Rodolfo Biazon sa kanyang adhikain na mabigyan ng ngipin ang kampanya sa population control. Sinabi ni Biazon na ang paglobo ng populasyon ay hadlang sa pag-asenso. Umaabot sa 84 milyon ang populasyon ng Pilipinas at tinatayang aabot sa 90 milyon sa susunod na tatlong taon.

Niliwanag ni Biazon na dapat na palawigin ang impormasyon na tungkol sa family planning lalo na sa kanayunan. Sinabi niya isang average Filipino Family ay dapat isa o dalawa lang ang maging anak. Ayon pa sa senador, maraming paraan sa pagpaplano ng pamilya. Hindi siya sang-ayon sa paggamit ng mapaminsalang contraceptives at mahigpit din niyang tinututulan ang abortion. Ayon sa kanya malaki ang maitutulong ng mga health workers sa mga pampublikong health centers tungkol sa family planning. Kailangan din ang pang-unawa at pagtutulungan ng mag-asawa para huwag dumami ang kanilang anak.
* * *
Napuna ba ninyo na merong mga bata pa pero mukha na silang matanda? Bagamat putuloy sila sa paglaki pero mukhang matured na sila lalo na sa kaso ng mga batang babae na maging sa pag-aayos ng buhok, pananamit at pati suot na sapatos at borloloy sa katawan ay mukhang dalaga na sila. Kahit na sampung taong gulang pa lang sila. May mga batang lalaki naman na ang pagkilos, pananamit at maging sa pagsasalita ay para na silang binata. "Precocious Puberty’’ ang kaso nila. Ito’y dulot ng scretim ng hormone ng pituitary gland. Dahil sa hormone na ito kaya ang siyam na taong gulang na babae at sampung taong gulang na lalaki ay nagmumukhang ‘‘bagets’’ na. Ang mga batang babae ay maagang pinamumukulan ng suso at nireregla. Ang mga batang lalaki naman ay lumalaki ang adam’s apple at lumalagong ang boses, nagkakabalbas at tinutubuan ng balahibo ang mga kilikili at maging sa kanilang penis na lumalaki rin.

Nagiging balbon sila at nag-iiba ang amoy nila. Ang dating mga amoy sanggol ay amoy ‘‘grown ups’’ na. Ang paglalaro nila ng mga sports nila ay naiiba at maging ang hobbies nila at pananaw ay nababago at talagang kaiba sa mga kasing edad nila na normal lang ang paglaki. Ayon sa mga doktor, hindi dapat pagtakhan at ikabahala ang mga batang sumasailalim sa ‘‘precocious puberty.’’

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

BIAZON

FILIPINO FAMILY

PRECOCIOUS PUBERTY

SENADOR RODOLFO BIAZON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with