^

PSN Opinyon

Handa pa ring makiisa ang RP sa US

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Danny Macabuhay -
MARAMI ang nagalak sa desisyon ni President Gloria Macapagal-Arroyo nang piliin niyang iligtas ang OFW na si Angelo dela Cruz. Marami ang nahintakutan sa naging hakbang na ito ni GMA sapagkat baka sumama ang loob ng mga Kano at iba pang mga bansa.

Nagkatotoo nga ang pangamba. Deretsuhang nagpahayag si US State Dept. Secretary Colin Powell ng pagkadismayado sa ginawang pagpapauwi ni GMA sa tropang Pinoy. Sumunod namang bumira sa Pilipinas si Australian Foreign Minister Alexander Downer.

Marami ang nangangamba na maaapektuhan ang mga Pinoy na gustong magtrabaho sa mga bansa na malaki ang impluwensiya ng Amerika katulad ng Middle East, partikular ang Iraq. May 6,000 na Pinoy ang kailangan sa Iraq. Kung matutuloy na makapagtrabaho ang 6,000 Pinoy sa Iraq, makapagpapadala ang mga ito sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas ng humigit-kumulang sa $102.48 milyon.

Sinabi ni GMA na kasama pa rin ang Pilipinas sa Coalition of the Willing na pinangungunahan ng US sa pagpuksa sa terorismo. Handa pa rin ang pamahalaan na makipagtulungan at makiisa sa US kahit na ang pinairal niya ay ang "Filipino First" policy. Umaasa si GMA na patuloy pa ring magiging matatag ang pagsasamahan ng US at ng Pilipinas.

vuukle comment

AUSTRALIAN FOREIGN MINISTER ALEXANDER DOWNER

COALITION OF THE WILLING

FILIPINO FIRST

MARAMI

MIDDLE EAST

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SECRETARY COLIN POWELL

STATE DEPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with