^

PSN Opinyon

Naulol si Lt. Poly-poly-ling (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SANDAMAKMAK pala ang mga operators ng smuggling sa Subic Customshouse sangkatutak ang galamay nila pero isa lang ang utak ni Ric Water, ang economic saboteur at ang asong baboy na si Lt. Poly-poly-ling.

Hindi biro ang mga palusutan ng mga imported vehicles dito kaya naman tuwang-tuwa ang mga kamoteng nakikinabang sa intelihensiya. Marami ka palang babae Lt. Poly-poly-ling, panay ang goodtime mo diyan sa Subic. Alam ba ng misis mo iyang ginagawa mo? Saan ka kaya kumukuha ng perang pambayad sa mga putatsing diyan? Dati ka naman walang madukot noong bagong dating ka sa bureau.

Balik tanaw tayo Lt. Poly-poly-ling, dating combat shoes ang sapatos mo, Seiko watch ang relo mo pero malaki ang pinagbago mo, Rolex na ang gamit mo at pa – Bally-bally at Feragamo ang sapatos mo ngayon kamukha mo pa ang t-shirt mong suot LACOSTE, hanep ka talaga!

Sa P11,000 gross pay mo minus deduction sa sahod mo naka-afford kang bumili ng mala-Mansion na bahay, naka-SUV vehicles at millions of pesos na deposito sa banko. Ang lahat nang ito ay nakuha mo sa pamamagitan ng pambubukol mo sa mga amo mong corrupt.

Noong araw ay nabansagan kang Lt. Poly-poly-ling na maninigaw sa mga brokers dahil mahilig kang mambakal sa mga ito. Maganda ang lifestyle mo puwedeng gawing pelikula. Pang fairy tale ang iyong talambuhay. Isa kang classic example ng ‘‘from rags to riches.’’

Ikukumusta ka nga pala ng mga kuwago ng ORA MISMO, Kay Ombudsman bossing Marcelo Simeon, PAGC bossing Dario Rama at Secretary Bobby Tiglao. Asahan mo iyan!

For your information, baka ikaw ang unang masampol sa uumpisahan ‘‘good governance’’ ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo para mawala ang kayabangan mo. Pati pangalan ng mag-amang Mike at Mikey Arroyo ginagasgas ninyo sa Subic sa smuggling operations ninyo ng amo mong si Ric Water. NASTF bossing Angie Reyes, ano ba ito?

‘‘Heinous crime ang ginawa mong pagbabanta sa Chief Kuwago baka puro ka daldal at hindi mo alam iyang pinagyayabang mo,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Si David Tan ba ang padrino ninyo?’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kaya pala bagyo kayo sa Subic.’’

‘‘Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago sa Huwebes ulit Lt. Poly-poly-ling don’t forget to buy PSN and PM and read my column.’’

‘‘Series ito kamote!’’

‘‘Balak pa kitang ipakilala sa mga kaibigan ko sa media para sumikat ka nang husto.’’

vuukle comment

ANGIE REYES

CHIEF KUWAGO

DARIO RAMA

KAY OMBUDSMAN

MARCELO SIMEON

MIKEY ARROYO

POLY

RIC WATER

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with