^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Allowance ng mga teachers, dagdagan

-
KUNG wala ang mga teachers kung panahon ng eleksiyon, mai-imagine ang hirap na daranasin ng bansa bago ito maidaos. Kahit pa marahil magkaroon ng computerization sa hinaharap, hindi rin magiging matagumpay kung wala ang mga teachers. Naging bahagi na sila ng election at kung sila’y mawawala, kawawa ang bansa. Walang magpoprotekta sa mga ballot boxes at tiyak na laganap ang dayaan o ang bilihan ng boto. Kahit na marami nang namatay na teachers na may kaugnayan sa election, hindi sila nagsasawa para gampanan ang kanilang tungkulin na tumulong sa election. Kahit maliit lang ang allowance, P1,000 isang araw, patuloy pa rin silang gumaganap sa tungkulin. Nararapat dagdagan ang kanilang allowance.

Higit pang nasa panganib ang buhay ng mga teachers kaysa sa mga taga-Commission on Elections. Nakaamba sa mga teachers ang panganib lalo na sa panahon ng bilangan at sa pagsa-submit ng certificate of canvass. Kung ang mga taga-Comelec ay parelaks-relaks sa kanilang malalamig na opisina kabaligtaran naman ito sa mga teachers na nagtiiis ng gutom, init, pagmumura at ang matindi ay ang pananakot sa kanila ng mga kandidatong natatalo. Kung ang mga taga-Comelec ay walang pakialam sa mga nangyayaring kaguluhan sa panahon ng eleksiyon, ang mga teachers ay seryosong ginagampanan ang tungkulin.

Ang pananakot sa mga teachers ay karaniwan na lamang kung election. Marami sa kanila ang ikinukulong o dine-detain ng mga supporters ng kandidato.Sila ang naiipit sa naglalabanang kandidato gayong tumutupad lamang sila sa tungkulin.

Ang masaklap nga ay kung humantong pa ang lahat sa pagbubuwis ng buhay ng teacher para lamang maprotektahan ang ballot boxes. Na ang pagtupad pala sa tungkulin ay magiging daan para siya mamatay. Sino ang makalilimot kay Filomena Tatlonghari, isang teacher na binaril makaraang tumangging ibigay ang mga ballot boxes sa isang grupo ng nga lalaki. Binaril si Filomena noong election ng May 9, 1995 sa Mabini, Batangas. Tatlong lalaki ang suspect subalit isa pa lamang ang nadadakip hanggang sa kasalukuyan. Malapit nang mag-10 taon ang kaso subalit wala pang nakakamit na hustisya ang pamilya Tatlonghari. Ang pangako rin naman ng pamahalaan sa pamilya Tatlonghari ay napako.

Kawawa ang mga teachers kung eleksiyon kaya dapat lamang silang tulungan. Dagdagan pa ang kanilang allowance.

vuukle comment

BATANGAS

BINARIL

COMELEC

DAGDAGAN

FILOMENA TATLONGHARI

KAHIT

KUNG

TATLONGHARI

TEACHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with