^

PSN Opinyon

May problema ba sa Heritage Casino Filipino ?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
GULAT na gulat ako ng makatanggap ng reklamo laban sa Heritage Casino Filipino. Hindi ako makapaniwala ng lapitan ng isa sa mga pangunahing entertainment sa casinong ito na panumpuno ng hinanakit. Madiing inihayag nito na ang management ng casinong ito ay hindi tumutupad sa kanilang kontrata sapagkat hindi ito nakapagbabayad sa kanilang mga artists sa takdang oras. Sinabi nito na every second week sila dapat bayaran ngunit lampas na sa third week ay nakatunganga pa siya.

Ang ikinasasakit ng loob ng mga nasabing entertainers ay para silang mga pulubi na naghihintay ng limos samantalang napaghirapan na nila ito na kinakailangang matanggap upang maitustos naman sa kanilang pang-araw-araw na ikabubuhay. Ang masakit pa nga raw ay pinili nilang dito na lamang sa sariling bayan ibahagi ang galing ng kanilang talino sa halip na sa ibang bansa na maaaring mas maganda pa ang pakikitungo sa kanila at malamang na mas malaki pa ang dapat na kitain.

Nabanggit sa akin na alam na ni Mr. Mike Yaneza, ang Entertainment Coordinator ng Heritage Casino Filipino ang problemang ito. Sinubukang makausap ng aking staff si Mr. Yaneza upang liwanagin ang bagay na ito subalit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon. Kahit na alam kong hindi nito nasasakop ang Heritage Casino, sinikap kong tawagan si Bobby Paterno, ang Branch Manager for Operations ng Parañaque Casino, ang isa sa mga well-managed branches ng Pagcor ngunit hindi ko rin siya naabutan. Kaya’t minabuti na lamang namin na isulat ito nang sa ganoon ay mapagtuunan na kaagad ng pansin at mabigyan ng solusyon.

May pakiramdam kami na maaaring may hindi pagkakaintindihan lamang ang nangyari dito. Mahirap na isipin na hindi tutupad sa obligasyon ang Casino Filipino na pinangangasiwaan at nasa ilalim ng pamamahala ni chairman at CEO Ephraim Genuino ng PAGCOR na pinakamatibay at pinakamagaling na ahensiya ng gobyerno na kilalang nangunguna sa nakakatulong sa bayan at mga mamamayang Pilipino.

Sana nga ay makatulong ang kolum na ito upang kahit na papaano sa aming kaliitan ay makapagsilbing namamagitan sa pagpapaabot ng mga bagay na makapagpapatuwid at makapagbibigay ng solusyon, maging maliit man o malaki sa ating mga kababayan. Lagi kaming handang magserbisyo.

vuukle comment

BOBBY PATERNO

BRANCH MANAGER

CASINO FILIPINO

ENTERTAINMENT COORDINATOR

EPHRAIM GENUINO

HERITAGE CASINO

HERITAGE CASINO FILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with