Anak, inabuso ng sariling ama
March 6, 2004 | 12:00am
ANG mag-asawang Abe at Naty ay nabiyayaan ng apat na anak na lalaki at tatlong babae. Nakatira sila sa baryo at nabubuhay lamang sa pagtatanim ng gulay.
Sa loob ng dalawang taon, limang beses na ginahasa ni Abe ang anak na si Emy, 9, habang si Naty ay nagtitinda sa palengke. Ang limang beses na pangggahasa ay naisumbong na ni Emy kay Naty subalit hindi siya pinaniwalaan ng ina. Kaya nagsumbong na lang si Emy sa kanyang tiyuhin at tiyahin at ang mga ito ang nagsadya sa pulisya at nagsampa ng apat na kaso ng rape at isang kaso ng attempted rape laban kay Abe.
Sa pagdinig ng kaso, malinaw at diretsang isinalaysay ni Emy ang lahat na ginawang panggagahasa sa kanya ng ama. Subalit itinanggi naman ito ni Abe. Nakapagtatakang kinampihan siya ni Naty. Ayon kay Naty, wala naman daw siyang nakitang dugo sa panty ni Emy o kaya naging kakaiba ang kilos ng anak. Subalit, pinaniwalaan ng Korte si Emy kaya nahatulan si Abe ng three counts of rape at two counts of act of lasciviousness. Kinuwestiyon ito ni Abe at iginiit niyang walang matinong ina ang kakampi sa asawang nahahabla ng panggagahasa ng anak at kokontra sa sariling anak kung ito ay nagsasabi ng totoo. Tama ba si Abe?
MALI. Napatunayan sa kasong ito na walang pagmamahal si Naty sa kanyang anak na nabiktima ng panggagahasa ng kanyang asawa. Dapat sana ay kinumpirma niya ang naisumbong ni Emy sa pamamagitan ng pagpapasuri sa isang doktor subalit hindi niya ito ginawa. Ang pagwawalang-bahala ni Naty sa naging kalagayan ng kanyang anak ay patunay lamang na mas higit ang kanyang pagmamahal kay Abe kaysa kay Emy. Tinalikdan niya ang sariling anak at kinampihan ang asawa para lamang mapawalang-sala ito.
Di man makatarungan ang ginawa ni Naty sa anak, nabigyan naman ng hustisya ng ating batas si Emy People vs. Dizon, (G.R. 134522-24 and 13950809, April 3, 2001).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended